• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Love or Money’ star Angelica Panganiban talks about working with her new leading man Coco Martin in Dubai.

Angelica Panganiban on working with Coco Martin in ‘Love or Money’: ‘Masarap siya mag-alalay’

‘Love or Money’ star Angelica Panganiban talks about working with her new leading man Coco Martin in Dubai.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/01/2021 08:59 AM
Angelica Panganiban on working with Coco Martin in ‘Love or Money’: ‘Masarap siya mag-alalay’
Photo Credit: @cocomartin_ph Instagram

After shooting the Star Cinema film Love or Money in Dubai last year, Angelica Panganiban said that her role as jaded woman Angel is the total opposite of the character played by her new onscreen partner Coco Martin.

“Si Angel naniwala naman siya sa love. Nabigo nga lang kaya parang kinalimutan na lang niya yun. Parang inisip na lang niya, ang pera hindi siya kayang saktan nun. So dun niiya ininvest yung sarili niya, para maging mayaman siya, makuha niya lahat ng gusto niya and okay naman siya eh. Hanggang sa talagang may dumating lang na pursigido siyang mahalin at pinakita sa kanya kung ano ba talaga yung pagmamahal. So hanggang sa naramdaman niya yun. Doon na nagulo yung buhay niya. Dun pumasok yung conflict niya sa buhay, kung ano ba talaga ang magiging mas matimbang sa kanya,” she shared during the Love or Money presscon held last February 27. 

READ: Angelica Panganiban shares rare photo with new boyfriend


Even though they first together in the 2012 film 24/7 In Love where Coco had a cameo role, Angelica said working with the talented actor in a full-length film was a good experience.

“Masarap siyang ka-eksena, sobrang giving niyang ka-eksena. Parang nagsasalita yung mata niya. Grabe yung tulong na nakukuha mo sa kanya bilang artista. Masarap siya mag-alalay. Sobrang siya bahala sa ‘yo lalo na sa mga intimate scenes na kailangan naming gawin. Hindi ko naramdaman na parang awkward ‘to, ganyan. Sobrang gentleman niyang tao. Siguro yun yung action star in him. Parang sobra niyang aalagaan yung mga leading ladies niya. So naramdaman ko naman yun. At saka hello ang galing galing niyang artista. So ang dali niyang katrabaho,” she said.

While shooting a film together on location in Dubai, Angelica said she and Coco have become closer than before.

“Siyempre may chikahan moments kayo na mas nakakausap mo siya on a personal level. Hindi katulad noon na nagkikita lang kami sa Christmas special tapos hi, hello, kumusta. Ngayon lalo na nag-Dubai kami tapos pandemic yung trabaho namin naka-lock-in bubble kami. So mas nag-iba rin, mas nakilala niyo yung isa’t isa, mas may na-she-share kayong mga sikreto sa isa’t isa. May mga napag-uusapan kayong hindi napag-uusapan noon. So siyempre ako bilib na bilib ako sa sipag ni Coco. Talagang taas kamay talaga. Hanep ka, araw araw kang nagta-trabaho. Para siyang lalagnatin pag hindi siya nagta-trabaho. Parang sa level na yun hindi niya naiintindihan pag pagod na ako (laughs) kasi parang hindi siya napapagod eh. So parang pag tinitingnan ko siya na pagod na ako, sasabihin niya, ‘Anong nararamdaman mo?’ Sasabihin ko, ‘Pagod ito. Hindi mo alam kung ano yung pakiramdam ng pagod? (laughs)’” she revealed.

READ: Angelica Panganiban, may bagong pag-ibig na

With Coco starring and also directing his long-running teleserye FPJ’s Ang Probinsyano, Angelica said she is also open to him directing her in another project in the future.

“Puwede ko namang i-entertain yung ganung idea. Hindi pa rin akong nagkakaron ng chance, kumbaga wala pa akong opportunity na yung artista yung magiging director ko. Kumbaga wala pa akong ganung experience. So iba rin siguro siya. May mga matututunan din siguro ako and baka mamaya ma-inspire pa ako tapos maging director na rin ako. Wow inagawan ko pa ng trabaho yung director (laughs). Sobrang hands on si Coco sa Ang Probinsyano di ba? Siya na talaga halos yung nag-di-direct,” she added.