• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Rey ‘PJ’ Abellana, ‘transition’ ang nangyayari sa mga artista sa iba’t-ibang stage ng kanilang career.

Rey ‘PJ’ Abellana, hindi naniniwala na nalalaos ang artista

Para kay Rey ‘PJ’ Abellana, ‘transition’ ang nangyayari sa mga artista sa iba’t-ibang stage ng kanilang career.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/09/2021 06:57 PM
Rey ‘PJ’ Abellana, hindi naniniwala na nalalaos ang artista

Dating sikat na matinee idol noong dekada ‘80 si Rey “PJ” Abellana. Pero pagkatapos maging in-demand leading man ng mga sikat na aktres ay dumating ang panahon na puro supporting roles na lang ang kanyang ginagawa.

Sa interview ng PUSH kay PJ ay ibinahagi ng aktor ang lowest moment ng kanyang career at kung paano niya ito tinanggap. Ayon pa sa kanya, masaya siyang naabot din niya noon ang matinding kasikatan.

“Before po na-experience ko yung level na nasa ibabaw na yung career ko sa showbiz. I was doing lead roles and all of that. Leading man left and right,” kuwento ng ama ni Carla Abellana.


Patuloy niya, “I’ve experienced doing movies with Sharon Cuneta. My very first with Sharon, ako yung naging leading man niya. You know, I suppose, I’ve experienced the peak of my career.”

INSERT ARTICLE ON REY PJ SIGNING WITH VIVA

Pero katulad ng ibang showbiz personalities ay lumamlam ang career ni PJ nung nagka-edad na siya.

Aniya, “I have also experienced the downside of my career as well. Yung peak of my career na leading man ako, matinee idol ako some time ago and sa later part of my career medyo supporting na lang po ang mga role na ginagampanan ko.”

Iginiit din ni PJ na hindi siya naniniwala na nalalaos ang mga artista.

“Maihabol ko lang. Yung term na laos, ano? It’s always nandidiyan sa show business yung term na laos. Pagdating sa term na yan, hindi ko po pinaniniwalaan yan,” deklara ng bagong Viva artist.

“Ito lang ang aking explanation diyan. Wala pong nalalaos na artista. From the lead role to the supporting role, wala pong nalalaos. Kasi may transition. Once again, gaya ng sinabi ko kanina, may transition period talaga ang tao.

“Hindi lang ang isang artista. Pati po sa kahit na sinong tao, nanggagaling sa bata, binata, middle age hanggang tatanda ‘yan. May transition period talaga yan.

 “Ngayon, I don’t agree with the term na tinatawag nila sa showbiz na laos. Wala pong nalalaos diyan. Kasi po ang mga beterano nating actors, sila po itong mga magagaling na artista.

“So, papano n’yo masasabi na ang mga beterano, mas magaling pa sa mga bida yan? Bakit mo tatawagin na mga laos yan? Eh, mas magaling umarte yan kesa sa mga bago lang. So wala pong nalalaos diyan sa loob.

 “It’s a matter of… level ng age lang yan. Stages ng age lang ng tao yan. Habang tumatagal mas humuhusay nga lalo yan, eh. So bakit mo tatawaging nalaos yan? That’s why I don’t consider yung term na laos,” mahabang paliwanag ng 58-year-old actor.