• Home
  • Fresh Scoops
  • Inirerekomenda ni Mayor Junard Chan an ipagbawal ang pagtapak ng rapper na si EZ Mil sa siyudad ng Lapu-Lapu sa Cebu.

Mayor ng Lapu-Lapu City, gustong ideklara si EZ Mil na persona non grata

Inirerekomenda ni Mayor Junard Chan an ipagbawal ang pagtapak ng rapper na si EZ Mil sa siyudad ng Lapu-Lapu sa Cebu.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/09/2021 08:59 AM
Mayor ng Lapu-Lapu City, gustong ideklara si EZ Mil na persona non grata
Screenshot from Wish 1075 YouTube Channel

Gustong ideklara ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na persona non grata ang rapper na si EZ Mil. 

Ito ay matapos makarating sa Mayor ang kontrobersyal na awitin ni EZ Mil na “Panalo” kung saan nakasaad sa lyrics na kanta na “Pinugutan si Lapu sa Mactan.” 

Sa ulat ng Cebu-based newspaper na The Freeman, sinabi ng alkalde ng siyudad ng Lapu-Lapu na irerekomenda niya sa sangguniang panglusod na ideklara na persona non-grata ang sikat na rapper. 


READ: Rapper EZ Mil apologizes for controversial lyrics in viral song

Paliwanag ni Junard, nangagaliti siya sa panunuya umano ni EZ Mil sa isa sa mga itinuturing na pinakamakisig na bayani ng bansa. 

“Nasuko ko, naglagot ko. Nagpataka lang siya himo og istorya. Unsa man nang iyaha, bahala og sayop basta kay aron siya mosikat? Dako’ng bugal-bugal ang iyang gihimo sa atong hero nga angay natong respetaran, dili bugal-bugalan,” saad ni Junard sa wikang Cebuano.  

(Nainis ako. Nagalit ako. Gumagawa siya ng istorya. Ano ang ginagawa niya? Wala siyang pakialam kahit mali basta sumikat lang siya? Gumagawa siya ng panunuya sa ating bayani na dapat nirerespeto at hindi pinapahiya.”)

Ayon sa mga batikang mananalaysay sa bansa, walang dokumento ang nagpapatunay kung paano namatay si Lapu-Lapu. Ngunit sa lyrics ng kanyang kanta, sinabi ni EZ Mil na pinugutan ito.

“Nanalo na ako nung mula pa na/ Pinugutan si Lapu sa Mactan/ At lahat ang nasaktan na/ Nalaman nila na pinatay/ Ang kanilang bayani/ Sa karagatan ng bansa/ Na pag-aari ng Pilipino,” saad ni EZ Mil sa lyrics ng kanyang kanta. 

Nauna nang humingi ng paumanhin si EZ Mil tungkol sa kanyang naging pahayag sa isang virtual press conference na inorganisa ng Wish FM. 

Ani EZ Mil: “I do not intend to have a corrected version of the song, because I feel like that’s ruining the integrity that I had within recording it, but it was, you know… It blew up because it made people talk, and I will let it stay that way.”

READ: Here’s what we know so far about rapper EZ Mil

Dagdag pa nito: “I’m sorry to anybody who was offended with the fact that me being putting inaccurate sources in our history as Filipinos.”

Sa kasalukuyan, mayroon nang higit 27 milyong views ang Wish Bus performance ni EZ Mil ng “Panalo.” 

Ipinagdiriwang naman ngayong taon ang ika-500 taong anibersaryo ng pagkapanalo ni Lapu-Lapu laban kay Magellan.