• Home
  • Fresh Scoops
  • Alamin ang mga masuwerteng bagay ngayong 2021 mula mismo kay Kim Chiu.

PANOORIN: Kim Chiu, kumunsulta sa isang feng shui expert

Alamin ang mga masuwerteng bagay ngayong 2021 mula mismo kay Kim Chiu.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/08/2021 08:56 AM
PANOORIN: Kim Chiu, kumunsulta sa isang feng shui expert
Screenshot from Kim Chiu PH YouTube Channel

Dahil hindi naging maganda ang taong 2020 para kay Kim Chiu, kumunsulta ang Kapamilya star sa isang feng shui expert.

Dumayo pa ng Binondo sa siyudad ng Maynila si Kim para manghingi ng payo kay Johnson Chua ng Sunrise Feng Shui tungkol sa kanyang kapalaran ngayong Year of the Metal Ox. 

Ayon sa nasabing feng shui expert, mas magiging maganda ang taong 2021 ng 30 anyos na aktres na ipinanganak sa Year of the Horse.

Saad ni Johnson: “Last year kasi, partly because it’s the Year of the Rat, alam natin rat and horse magkalaban, okay? But good news, 2021, it will be much better para sa mga Year of the Horse.”  

READ: Kim Chiu to star in ‘Bawal Lumabas: The Series’

Nagbabala naman si Johnson sa mga ipinanganak sa Year of the Dragon at Year of the Snake. 

“Lalo na ‘yung Dragon and Snake, partly ang health, ‘yung stress energy lalo na sa trabaho and sa negosyo. And also in terms of money luck din. Kailangan we need to be more careful,” ani Johnson. 

Dagdag pa nito: “And also, one more thing pala, try not to do ‘yung mga risky adventures like that kasi prone to accident.” 

It’s a healing year, it’s a comeback year. Pero ‘wag pa rin tayo masyadong maging aggressive. So dapat conservative play tayo. Matuto tayo mag-budget,” pagpapatuloy pa ni Johnson.  

Ayon pa kay Johnson, ang mga maseswerteng animal signs ngayong taon ay Rooster, Monkey, Tiger, Horse, at Dog. 

Samantala, ang mga maswerteng kulay naman umano ngayong taon ay Yellow (money at prosperity), Green (connections, new endeavors), at Red (business / overall). 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Sa nasabing vlog, ipinasilip din ni Kim ang kanyang paghahanda para sa paparating na Chinese New Year na magbubukas ngayong Pebrero 12. 

“It’s time to recharge ‘yung mga feng shui namin na horses kasi last year, bad ‘yung horse. Like super bad ‘yun. Hindi tayo sinewerte last year. But at the same time, hindi natin i-lolose ‘yung hope na there’s always a light at the end of the tunnel,” ani Kim. 

Wish naman ni Kim: “Sana mag-heal na tayong lahat, mag-heal na ang buong mundo. Mawala na sana ang coronavirus and kumam-back na ‘yung mga normal nating ginagawa — hugs, beso-beso, and kisses. Then, hangout with friends na walang face shields

Nagbigay din ng mga payo si Kim sa mga dapat ihanda tuwing Chinese New Year gaya ng tikoy, pansit, steamed fish, circle-shaped fruits, shrimp, at green vegetables.