• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinunyag naman ni Dennis Padilla na hindi pa niya nakakausap si Julia Barretto tungkol sa tsismis na kumakalat patungkol sa umano’y relasyon nito kay Gerald Anderson.

Mensahe ni Dennis Padilla para kay Gerald Anderson: ‘Huwag mong lolokohin’

Ibinunyag naman ni Dennis Padilla na hindi pa niya nakakausap si Julia Barretto tungkol sa tsismis na kumakalat patungkol sa umano’y relasyon nito kay Gerald Anderson.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/08/2021 08:02 PM
Mensahe ni Dennis Padilla para kay Gerald Anderson: ‘Huwag mong lolokohin’
Photo credit: @dennisastig @andersongeraldjr IG

Nag-iwan ng mensahe ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla para kay Gerald Anderson na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng marami na nobyo ng kanyang anak. 

 

 

Sa isang post ng Facebook page Kapamilya Online World, ibinahagi nito ang umano’y sinabi ni Dennis tungkol kay Gerald. 

Dito, sinabi ni Dennis sa nasabing post na hindi pa niya natatanong ang kanyang anak na si Julia tungkol sa mga kumakalat na tsismis. 

Paliwanag ng komedyante: “Kapag hindi siya nagkukuwento, hindi naman ako nagtatanong.” 

Ani pa ni Dennis, nirerespeto niya ang karapatan ng kanyang anak na panatilihing pribado ang buhay pag-ibig nito. 

“Siguro she wants to be private lang din. Kung magu-open up siya, makikinig lang ako. Kung hindi man, antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin,” ani Dennis. 

Dagdag pa niya: “Siyempre, kailangan naman nating respetuhin din yung karapatan ng ating mga anak, siyempre personal naman nila yun eh.” 

‘Afam’ at ‘Older’ ang mga hints ni Julia Barretto sa kanyang relasyon​

Sinabi naman ni Dennis na nandiyan lang umano siya para sumuporta sa kanyang anak sakaling kailanganin siya nito. 

“Kung saan naman masaya ang anak ko, dun ako. Ang pinaka-importante, she’s a very responsible woman. Meron naman siyang sariling hanap-buhay,” saad nito. 

Dagdag pa ni Dennis, “one text away” lang siya.

“She’s an adult. She’s already 23. So, I’m sure alam naman niya kung saan ang tama at mali. Sa akin lang, kung saan siya masaya eh dun ako susuporta. Basta nasa likod lang ako. I’m just a text away kung ano man ang problema,” ani Dennis. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

 

Samantala, nag-iwan naman ng mensahe si Dennis para kay Gerald. 

“Kung mahal mo naman 'yung daughter ko, alagaan mo na lang siya. Huwag mo lang sasaktan. Saka huwag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay,” saad ni Dennis. 

Unang napabalita ang umano’y relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson noong taong 2019. 

Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Julia Barretto​

Kasabay ito ng pagputok ng balita na hiwalay na sina Gerald ang dati nitong girlfriend na si Bea Alonzo. 

Bagama’t hindi pa kinukumpirma ni Julia kung sino ang kanyang karelasyon ngayon, sinabi naman nito kamakailan na ito ay ‘AFAM’ at mas matanda ito sa kanya.