• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Unloving U’ director Easy Ferrer talks about directing Ronnie Alonte and Loisa Andalio in his new iWanTFC digital series. 

‘Unloving U’ director Easy Ferrer on Ronnie Alonte and Loisa Andalio: ‘Feeling ko sila yung tatagal’

‘Unloving U’ director Easy Ferrer talks about directing Ronnie Alonte and Loisa Andalio in his new iWanTFC digital series. 

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

02/07/2021 10:23 AM
‘Unloving U’ director Easy Ferrer on Ronnie Alonte and Loisa Andalio: ‘Feeling ko sila yung tatagal’
Photo credit: @easyferrer and @iamandalioloisa Instagram

Director Easy Ferrer admitted he was impressed with his lead stars Ronnie Alonte and Loisa Andalio who play step siblings in the upcoming digital series Unloving U. 

Na-surprise din ako kay Ronnie kasi nakatrabaho ko na siya sa Bloody Crayons and ang laki na ng inimprove niya talaga. So sabi ko ay ang galing galing na ni Ronnie. Si Loisa naman nakatrabaho ko sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, magaling na naman siya noon pa. So isa siya sa hindi ko masyado iniintindi sa set kasi alam kong magaling siya. Iiwanan ko siya and alam na niya gagawin. Lagi nga kaming nag-uusap sa set na parang thinking actress siya kahit bata pa siya. Very reliable. So parang nakakatuwa,” he shared.

READ: EXCLUSIVE: Direk Easy Ferrer, naka-experience ng ‘baptism of fire’ sa ‘Finding You’


Working with the love team known as “Loinie,” direk Easy said the couple were very professional all throughout their lock-in shooting last December.

“It was fulfilling for me. Kasi handa sila eh. Binigay nila lahat. Eh masarap katrabaho yung mga tao na binibigay nila lahat. Nakaka-fulfill. Nakukuha mo yung gusto mo, nabubuo mo yung story na gusto mo, lumalabas sa camera. Lalo na kapag nagmamadali tapos bigay agad sila. Handa sila. Prepared sila. So nakaka-fulfill sa sarili na nakaka-proud na parang, ‘Ay itong mga batang ito nakatrabaho ko sila.’ So pag marami na silang awards and all, masasabi ko sa sarili ko na, ‘Ay, dumaan sa akin yan si Loinie,’ parang ganun,” he explained.

As a real life couple, direk Easy also said he has high hopes for Ronnie and Loisa’s relationship and likens it to his other two Unloving U stars and real life couple Ariel Rivera and Gelli de Belen.

“Feeling ko sa ganun nagsimula si Gelli at Ariel. May mga couples na unang tingin mo pa lang alam mong tatagal sila eh. Parang ganun si Ronnie at saka si Loisa kasi nag-sa-swak sila, para silang kutsara at tinidor. Feeling ko sila yung tatagal rin. Ang galing nilang apat. Madali ang trabaho kasi magaling silang lahat,” he said.