• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Unloving U’ star Ronnie Alonte shares just how thankful he is to their loyal Loinie fans.

Ronnie Alonte shares secret to four-year relationship with Loisa Andalio

‘Unloving U’ star Ronnie Alonte shares just how thankful he is to their loyal Loinie fans.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

02/06/2021 09:59 AM
Ronnie Alonte shares secret to four-year relationship with Loisa Andalio
Photo credit: @iamr2alonte Instagram

Ronnie Alonte and Loisa Andalio play very different kinds of roles in the iWanTFC original digital series Unloving U where they become step siblings forced to live together after their parents (Ariel Rivera and Gelli de Belen) get married. The 24-year-old actor shared just how thankful they are to be given a project this year despite the ongoing pandemic.

Laking utang na loob at pasasalamat ho namin sa management siyempre,” he said during the Unloving U mediacon. 

READ: Ronnie Alonte and Loisa Andalio react to ‘live-in’ rumors


WATCH: Ronnie Alonte, Loisa Andalio next level na nga ba ang relasyon? | PUSH Daily

Having spent most of their time together last year doing quarantine, Ronnie admitted he has new discoveries about his girlfriend after more than four years of dating.

Kasi nakilala ko siya dati na parang yun nga may kasama, palautos, utos sa PA, dalawang PA, tatlo, ganyan (laughs). Iba ito eh. Tapos nung nakasama ko siya. Ang sipag niya. Ang sarap niya magluto, ganun. And yung pagkakalog niya ganun pa din eh pero may halo. Ang sweet kasi sa akin nung kalog ka tapos nilalambing ako. Alam niyo ba yung feeling na kalog siya na pagkatao pero nilalambing niya ako ng malumanay? Basta iba. Parang lagi naman siyang nakakatawa para sa akin. Kasi harutan lang kami eh. Kami yung hindi naman pa-sweet sa isa’t isa. Kumbaga alam na naman namin na kami pero hindi namin siya talaga pinaparamdam na ganun. Minsa parang magkaibigan lang kami, ganyan. So para sa akin lahat masaya, nakakatawa siya palagi, ang gaan niyang kasama, ganun,” he shared.

READ: Ronnie Alonte, tinawag na “future wife” si Loisa Andalio

Ronnie said that the reason for their longevity as a couple is that their strong foundation of trust.

Siguro yung  tiwala lang sa isa’t isa. May tiwala kasi sa isa’t isa at nagbibigayan kami. Walang mataas, walang mababa, nagbibigayan kami. Yung mga sitwasyon na puwede naming pag-awayan, hindi namin pinapalaki. Hindi nilalabas sa labas talaga, tapos kung mag-aaway kami, pag-usapan namin dito and after nun, bati kaming lalabas. So bigayan lang, respeto sa desisyon and magtatagal kayo yung may respeto kayo sa isa’t isa at alam niyong mahal niyo ang isa’t isa. Yun ang importante. Masaya kaming dalawa,” he said.

Ronnie is also grateful to their loyal Loinie fans who have been supporting them on and off screen throughout the years.

Grabe kasi nag-start kasi kami ni Loisa na hindi naman talaga kami ni-launch as a love team talaga. Kumbaga, hindi ko siya niligawan para maging ka-love team, niligawan ko siya kasi gusto ko siya. So hanga at saludo ako sa mga fans namin na sumuporta talaga sa amin simula una pa lang nung nasa Showtime kami hanggang ngayon na ang dami ng nangyari sa five years namin, sa six years namin sa showbiz. So ang laking pasasalamat namin kasi andiyan pa rin sila. Siguro kaya ganun yung mga fans namin dahil ramdam din nila na mahal namin sila, hindi namin sila iniiwan, nagbibigay kami ng updates sa kanila.

Watch Unloving U online starting February 8. The iWanTFC Valentine’s original digital series is directed by Easy Ferrer.