• Home
  • Fresh Scoops
  • Rey ‘PJ’ Abellana sa anak na si Carla: ‘Nasa tamang edad na rin at matalino naman siya. Hindi pabaya sa sarili.’

Rey ‘PJ’ Abellana, hindi pa nakakaharap si Tom Rodriguez na BF ng anak niyang si Carla Abellana

Rey ‘PJ’ Abellana sa anak na si Carla: ‘Nasa tamang edad na rin at matalino naman siya. Hindi pabaya sa sarili.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/06/2021 03:20 PM
Rey ‘PJ’ Abellana, hindi pa nakakaharap si Tom Rodriguez na BF ng anak niyang si Carla Abellana
Photo credit: More Than Words/GMA and @carlaangeline Instagram

Pumirma ng kontrata ang dating matinee idol na na si Rey “PJ” Abellana sa Viva Artists Agency (VAA) kasama ang younger brother niyang si Jojo Abellana na dating miyembro ng That’s Entertainment (Wednesday group). Winelcome ang dalawa ng Viva sa pamamagitan ng isang virtual presscon na dinaluhan namin at ng ilang members ng entertainment press.

Sa naturang virtual con ay hindi naiwasang itanong kay PJ kung kumusta ang relasyon niya sa anak na si Carla Abellana. Inamin ng aktor na matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ng anak.

Ani PJ, “It’s been awhile na. We hardly see each other. Medyo madalang na kaming nagkikita ng anak ko na si Carla, madalang kaming nakakapag-usap.


“Na-experience ko na yung sitwasyon natin sa industriya. Once na pumasok ka ng show business, talagang automatically, mawawala na yung oras mo sa pamilya mo.

“Mawawala rin ang oras mo sa girlfriend mo, sa karelasyon mo, sa kaibigan mo, to the extent na mawawala ang oras mo sa sarili mo mismo. Good for me, nauna akong pumasok ng show business, so I’m very much aware na ganoon ang sitwasyon kaya hindi ako nagrereklamo. 

“Hindi ako nagugulo na hindi na kami halos nakakapag-usap at halos hindi na rin kami nagkikita ng aking anak. As long as nakikita ko, nababalitaan ko na umaandar naman nang maayos ang career ng aking anak, so good enough on my side na malaman ko na masaya siya, na okey ang takbo ng career niya and wala naman problema.”

READ: Carla Abellana proud of boyfriend Tom Rodriguez’s fundraising efforts through drawing

Inamin din ni PJ na hindi pa nito nakakausap ang boyfriend ni Carla na si Tom Rodriguez, dating Pinoy Big Brother housemate, na ka-live-in na ng aktres.

Never yet. Never yet na nakapag-usap kami personally, privacy nila ni Carla,” pagtatapat ni PJ. Patuloy niya, “I really leave it to my daughter’s concern kasi si Carla naman, at this point, nasa tamang edad na rin at matalino naman siya. Hindi pabaya sa sarili.“So, naniniwala akong kaya nang harapin ni Carla yan. Sabi ko nga sa kanila, if worse comes to worst, nandito lang ako always, anytime. Nandito lang ako para sa kanila.”

Si PJ ay nakilala sa showbiz industry sa soap operang Anna Liza na pinagbibidahan ng yumaong aktres na si Julie Vega. Naging ka-love team niya noon ang aktres at voice talent na si Leni Santos na nasa Amerika na ngayon

Thirty eight years na sa showbiz si PJ na naging leading man din noon ni Sharon Cuneta at ng iba ang mga sikat na aktres during the peak of his career.

Samantala, ayon sa magkapatid ay marami pa silang puwedeng i-offer sa showbiz kaya very grateful sila na binigyan sila ng pagkakataon ng Viva na mapasama sa kanilang roster of talents.