• Home
  • Fresh Scoops
  • May payo din si Cristina Gonzalez sa mga baguhan sa showbiz.

Cristina Gonzalez balik-showbiz after 15 years

May payo din si Cristina Gonzalez sa mga baguhan sa showbiz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/06/2021 04:01 PM
Cristina Gonzalez balik-showbiz after 15 years
Photo credit: @cristinagonzalezromualde Instagram

Nagbabalik-showbiz ang isa sa sex goddesses noon ng Philippine cinema na si Cristina Gonzalez. Pumirma siya ng kontrata sa Viva at humarap sa ilang entertainment press sa isang virtual presscon.

Aminado si Cristina na malaki ang naitulong sa kanya ng showbiz nung sumabak siya sa pulitika partikular na kung paano makiharap sa mga iba’t ibang klase ng tao.

Aniya, “Actually, learning to deal with different people. It actually helped me when I went to politics. Because in showbiz, kailangan nga lahat nakakasalamuha mo and for me, I would treat everyone the same whether sa pinakamababa to director or whoever. Ganu’n.

“And makikisama ka du’n sa mga jokes-jokes, di ba? Mga fun, lokohan, may samahan, which nadala ko nu’ng naging councilor ako and then later naging mayor din ako. Nasanay ako makisalamuha sa iba’t ibang klaseng tao. Kumbaga, all walks of life.”

Nawala sa showbiz si Cristina ng halos 15 taon. Tinutukan niya ang pagnenegosyo at naging konsehal ng Tacloban for nine years (2007 to 2016) hanggang maging mayor ng lungsod for one term—2016 to 2019.

During the virtual conference ay nagbahagi rin si Cristina ng ilang advice sa mga baguhang artistang pumapasok sa mundo ng showbiz.

“Number one, take it seriously. Be professional. Act professional. Be kind, pahayag niya.

“Number one talaga, eh, be professional. Be on time. It’s a job. It’s not something that, you know. Work pa rin siya. Kailangan you treat it as work. That’s how I would look at it,” dagdag niya.

Dapat din daw ay manatilig humble dahil ang career sa showbiz ay hindi nagtatagal at pansamantala lamang.

“And of course, stay humble. Kasi marami diyan, konti pa lang ang… bago pa lang, eh, akala mo ano na, sino na. Stay humble. It’s not like… kasi mostly temporary yan.

“Hindi naman ‘yan permanent talaga na nandiyan ka. Kasi lahat tayo, we will age, di ba? We will get married someday. So nag-iiba-iba yung ano ng career mo. Stay humble and be kind to everyone, kahit sino, especially sa shooting. Kahit water boy lang yan, kahit yung nagse-serve, treat them all pantay-pantay,” litanya ni Cristina.

Masaya at excited si Cristina sa kanyang pagbabalik-showbiz na ayon sa kanya ay first love niya.

“I’m excited. Nasubukan ko na lahat, di ba? Imagine, pati politics. I’m also in business. And right now, I’m actually based in Manila so I just want to keep myself busy and happy.

“My God. It’s been so long, ‘di ba, since I got married (kay Mayor Alfred Romualdez). Ilang years na ba yon na nawala din ako sa show business and that’s really my first love. Kinagisnan ko na yan since I was a child with my dad and all that.

“So, sabi ko, why not, di ba? For fun and I want to do something that makes me happy,” huling pahayag ni Cristina.