• Home
  • Fresh Scoops
  • Samantha Bernardo was handpicked to become the Philippine representative in the pageant to be held in March.

Confirmed: Samantha Bernardo, to represent PH in latest edition of Miss Grand International

Samantha Bernardo was handpicked to become the Philippine representative in the pageant to be held in March.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/06/2021 03:06 PM
Confirmed: Samantha Bernardo, to represent PH in latest edition of Miss Grand International
Photo credit: Miss Grand International Facebook Page

Bago pa man ang coronation night sa April 17, 2021, pormal ng inanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated na si Samantha Bernardo ng Palawan na ang lalaban para sa nalalapit na Miss Grand International sa Bangkok, Thailand.

READ: Miss Grand International pageant, tuloy ngayong 2021

Sa official statement ng Miss Grand International Facebook page, inanunsyo nito na handpicked si Samantha to represent the Philippines sa darating na kompetisyon ngayong March 27, 2021.


Markado sa pageant fans si Samantha. Matatandaan na sa dalawang magkasunod na taon na sumabak sa Binibining Pilipinas ang Palawan beauty, magkasunod rin siyang nagtatapos sa second runner up.

Off duty man sa pageant dahil sa pandemya, nanatiling aktibo si Samantha sa kanyang adbokasiya na Philippine Movement Against Malaria bilang spokesperson at volunteer sa grupo na naglalayon na sugpuin ang Malaria sa taong 2030.