• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakigulo sa bahay ni Kyle Echarri ang mga miyembro Gold Squad.

PANOORIN: Gold Squad, binista bahay ni Kyle Echarri

Nakigulo sa bahay ni Kyle Echarri ang mga miyembro Gold Squad.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/05/2021 08:57 AM
PANOORIN: Gold Squad, binista bahay ni Kyle Echarri
Screenshot from The Squad Plus YouTube Channel

Bumisita sina Seth Fedelin, Francine Diaz, at Andrea Brillantes sa bahay ni Kyle Echarri. 

 

 

Sinigurado naman nila na safe ang pagbisita ng tatlo dahil dumaan ito sa temperature check.

Nakipagkulitan din ang mga miyemnbro ng Gold Squad sa isa sa mga aso ni Kyle na halos na pinatalon parehas sina Seth at Francine. 

“Guys, this is Demon. He actually has a lot of brothers,” saad ni Kyle na ipinakilala ang isa sa kanyang mga aso.

WATCH: ‘The Gold Squad’ in fun Q&A session

“Ako at ‘yung kapatid ko ‘yung nandito palang ngayon para lang samahan ako kasi ‘yung mama ko nasa Cebu pa. Pero it’s usually just me, Bella … Ate Mimi, mom. Tapos ‘yung papa ko pumupunta every other week as much as he can,” ani Kyle.

Sa nasabing vlog, sumabak din ang magkakaibigan sa 7 Seconds Challenge kung saan nasubukan ang bilis ng bawa’t-isa sa pagsagot sa mga katanungan o pagkilos sa bawat dare na ibinato sa kanila. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Nabuo ang Gold Squad dahil sa tagumpay ng hit Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto.

Nasundan pa ng iba’t-ibang proyekto gaya ng iWant originals na Wild Little Love nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes at Silly Red Shoes kung saan muling nagtambal sina Kyle Echarri at Francine Diaz. 

Samantala, mas lumawak pa ang Gold Squad na ngayon ay nadagdagan pa ng anim na babae at anim na lalaking miyembro. 

 

 

Ito ay sina Alyanna Angeles, Sam Cruz, Angelica Lao, Anji Salvacion, Danica Ontengco, Margaux Montana, Renshi de Guzman, KD Estrada, Jimuel Pacquiao, Nio Tria, Raven Rigor, at Lance Carr.