Pamilya Revilla, hiling ang panalangin para kay Lani Mercado

Sumailalim si Lani Mercado sa isang Angiogram.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/05/2021 04:13 PM
Pamilya Revilla, hiling ang panalangin para kay Lani Mercado
Screenshot from Ramon Bong Revilla, Jr. Facebook and Photo credit to @lanirevilla

Dagdag na dasal at panalangin ang hiling ngayon ng Pamilya Revilla para sa pagdaraanang operasyon ni Lani Mercado-Revilla.

Sa Facebook post ng Senador at mister ni Lani na si Bong Revilla Jr., inihayag nito ang panawagang pagdarasal para sa kanyang misis na sasailalim sa Angiogram procedure. 

 


 

“Magandang gabi po. Kumakatok po ako sa inyong muli para samahan kami sa panalangin. 

“Lani will be undergoing an angiogram tomorrow. May nakita kasi sa kanyang annual check-up that needs to be looked at. We are praying that it is nothing to be concerned about. Salamat sa inyong mga dasal,” post ng actor-politician Sa Facebook. 

Sa isang Facebook video post din, kasama ni Lani ang mister na si Bong sa hospital na siyang nakatutok sa kalagayan ngayon ng Bacoor City mayor.

Sa tulong ng dasal at panalangin, umaasa ang pamilya Revilla na magiging maayos ang Angiogram procedure na gagawin para kay Lani.

Ang Angiogram procedure ay isang paraan kung saan tutusukin ng aparato ang isang ugat upang alisin ang bara na nakakaapekto sa maayos na pag daloy ng dugo papunta sa puso.