LOOK: ABS-CBN Star Patroller Ganiel Krishnan, sasali sa Miss World Philippines

Sasabak ulit si Ganiel Krishnan sa mundo ng pageantry.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/05/2021 09:05 AM
LOOK: ABS-CBN Star Patroller Ganiel Krishnan, sasali sa Miss World Philippines
Photo Credit: @ganielkrish and @iamolisara Instagram

Umarangkada na ang screening para sa nalalapit na edisyon ng Miss World Philippines.

Sa unang araw pa lang ng paghahanap ng mga kandidata nitong Miyerkules, (February 3) nag ningning na ang listahan ng aspiring Filipina beauty na nag-nanais ibandera ang Pilipinas sa iba’t ibang pageant arena sa ilalim ng Miss World Philippines Organization.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pageantry Norms (@normant)

 

Kabilang na dito ang mga titulo mula sa Miss Tourism Philippines, Miss Eco Teen Philippines, Miss Multinational Philippines, Reina Hispanoamerica Filipinas, Miss Eco Philippines, Miss Supranational Philippines at ang prestigious title ng Miss World Philippines.

 

 

Sa pagpapatuloy nang screening nitong Huwebes, (February 4) ilang familiar faces sa mundo ng pageantry ang present para subukan na sungkitin ang korona sa ilalim ng Miss World Philippines Organization.

Kabilang na dito ang ABS-CBN Star Patroller na si Ganiel Krishnan.

 

Hindi na bago si Ganiel sa mundo ng pageantry, sa katunayan, minsan nang ibinandera ng 26-year-old beauty ang bansa noong 2016 bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Asia Pacific International kung saan nasungkit niya ang 2nd Runner-Up.

RELATED ARTICLE: Netherlands wins Miss Asia Pacific Int'l 2016; PH finishes 3rd

Isang active media personality rin ngayon sa ABS-CBN TV Patrol ang Fil-Indian beauty na nagsimula bilang UAAP court side reporter para sa Far Eastern University kung saan siya nagtapos ng Masa Communication.

 

Bukod kay Ganiel, ilang pangalan rin ang inaasahan na magpakita ng kanilang interest para maging susunod na pambato ng Pilipinas sa International and World pageant stage.