• Home
  • Fresh Scoops
  • Lyca Gairanod, sinagot ang tanong kung miyembro ito ng LGBT community

Lyca Gairanod, sinagot ang tanong kung miyembro siya ng LGBT community

Lyca Gairanod, sinagot ang tanong kung miyembro ito ng LGBT community

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/04/2021 05:34 PM
Lyca Gairanod, sinagot ang tanong kung miyembro siya ng LGBT community
Photo credit: @lycagairanod.1 IG

Nagpa-Q & A ang dalagang singer na si Lyca Gairanod kung saan parehas na pinatotohanan at pinabulaanan nito ang iba’t-ibang pagpapalagay ng mga tao tungkol sa kanyang personal na buhay. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)


 

Dito, hindi naiwasang itanong ng isang netizen sa 16 anyos na singer kung parte ito ng LGBT community dahil sa pagkakaroon niya ng mga kaibigan na beki. 

Sagot ni Lyca: “False but I love LGBT.” 

Lyca Gairanod signs with Viva​

Kaya naman hindi napigilan ng ilang netizens na matuwa sa kanya kabilang na ang social media sensation na si Macoy Dubs dahil sa pagiging “ally” nila. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

 

Saad ni Macoy sa isang tweet: “Never ako nagkamali na maging idol ka at mahalin ka, QUEEN OF POP and SIS MANNERS, MS LYCA GAIRANOD. LGBTQ means Lyca Gairanod Beautiful Transformation Qanern!”

 

 

Nakilala si Lyca sa reality talent search na The Voice Kids kung saan siya ang tinaguriang grand champion. Kasama niya sa nasabing kompetisyon sina JK Labajo at Darren Espanto. 

Ilang taong naging parte ng MCA Music Inc. si Lyca. Samantala, kamakailan ay pumirma ito ng kontrata sa VIVA Artists Agency.