• Home
  • Photos
  • TINGNAN: Mga naging kaganapan sa kasal ni Miko Raval

TINGNAN: Mga naging kaganapan sa kasal ni Miko Raval

Narito ang ilan sa mga litrato na kuha mula sa kasal ni Miko Raval at ng kanyang non-showbiz girlfriend.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

PHOTOS

02/03/2021 01:17 PM

Ikinasal na nga ang aktor na si Miko Raval sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Kaira Dimatulac. 

Naganap ang kasalan ng dalawa sa Bella Rosa Gardens sa Silang, Cavite nitong Lunes, Pebrero 1. 

Sa ekslusibong panayam ng PUSH, ikinuwento ni Miko kung paano naapektuhan ng pandemya ang noo’y kasado na nilang kasal bago pa man magsimula ang lockdown. 

Ani Miko, hindi nila inaasahan na aabot ng ilang buwan ang pandemya kaya naman binayaran na nila lahat kasama ang venue. 

“Before the pandemic kasi, ayun nga, we have a venue na that we have paid for… the reservations and all. So, ‘nung nagka-pandemic, during the lockdown ‘nung March, we were thinking na ‘okay, sige tuloy lang natin.’ We didn’t know naman na it was going to be this long, di ba?” aniya. 

READ: Miko Raval gets married

Bagama’t gusto sana nila ng mas malaking kasal, napilitan silang magkaroon ng mas maliit na kasalan dahil sa restrictions dulot ng COVID-19. 

“We had to change the venue. Luckily, one of those venues na nag-ocular kami before the pandemic, emailed us a great package nga, which has the venue na there, there are rooms na, and the church is also there na. So, everything in one place, parang one stop shop so that made it easier for us. So now, our guest count is just at 50 compared to the 200 originally.”

READ: EXCLUSIVE: Miko Raval to wed his non-showbiz girlfriend this February 1

Samantala, ibinahagi naman ng Star Magic ang mga litrato kung saan makikita ang mga naging kaganapan mula sa kasal. 

Kilala si Miko sa kanyang mga naging pagganap sa iba’t-ibang teleserye ng Kapamilya network kabilang na ang Moon of Desire at The Killer Bride.