• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbakasyon sa Amanpulo si Bea Alonzo kasama umano si Dominic Roque.

‘Life is short’: Bea Alonzo, nagbakasyon kasama si Dominic Roque?

Nagbakasyon sa Amanpulo si Bea Alonzo kasama umano si Dominic Roque.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/03/2021 06:17 PM
‘Life is short’: Bea Alonzo, nagbakasyon kasama si Dominic Roque?
Photo credit: @beaalonzo @dominicroque IG

“Life is Short.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


 

Tila yan ang sagot ng aktres na si Bea Alonzo sa patuloy na pag-uugnay sa kanila ng aktor na si Dominic Roque.

Kasunod ito nang mapanuring mata ng netizens sa naging bakasyon ng aktres sa Amanpulo sa Palawan kung saan, kasama rin umano si Dominic Roque.

Sa mga uploaded social media post ni Bea at Dominic, tila kapwa nasa iisang lugar lang ang dalawa dahil na rin sa pagkaka-pareho nang kanilang mga posts.

Photo screen grabbed @beaalonzo IG story

Photo screen grabbed @dominiqueroque IG story

 

 

Hindi ito ang unang beses na pinag-usapan ang dalawa. Kamakailan lang spotted rin sina Bea at Dominic sa isang wagyu restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.

RELATED ARTICLE: Wagyu Night: Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama sa isang dinner date?

Bukod pa rito, naka ilang espesyal na okasyon na rin sa buhay ni Bea kung saan present si Dominic.

RELATED ARTICLE : ‘Tila ako’y nabighani’: Dominic Roque posts photo with Bea Alonzo, fuels romance rumors

Hindi man kompirmado, hindi rin maitanggi ang ningning sa mga mata ni Bea na bakas ngayon ang kasiyahan.