Veteran actress Gina Pareño reveals how Tiktok helped her keep her sanity during the lockdown

Gina Pareño went on Tiktok to use her acting skills.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/27/2021 01:47 PM
Veteran actress Gina Pareño reveals how Tiktok helped her keep her sanity during the lockdown
Photo credit: @yourlolagets Instagram

Ayon sa veteran actress na si Gina Pareño, malaking tulong sa kanya ang Tiktok to maintain her sanity during the lockdown due to the COVID-19 virus. Kung hindi raw niya ito ginawa ay baka tuluyan na siyang nabaliw.

“Nabaliw ako last year kasi hindi ako nakakaarte, so nag-TikTok ako,” pagtatapat ni Gina na nakausap ng PUSH sa virtual media conference ng pelikulang Tililing.

Patuloy niya, “Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay. Eh, di nakaraos ako, hindi na ako baliw ngayon.


Nakaka-communicate ako sa kanilang lahat kaya masarap sa pakiramdam yon. At least, nakakaarte ka.”

May 1.6 million followers at 3 million accumulated views na si Gina sa Tiktok. Nakikipagsabayan siya sa iba pang showbiz personalities na pinasok na rin ang pagti-Tiktok.

Gina is one of the lead stars sa Tililing ng Viva Films na idinirek ni Darryl Yap at mapapanood simultaneously sa mga sinehan at Vivamax sa March 5. Kasama niya sa pelikula sina Baron Geisler, Candy Pangilinan, Chad Kinis, at Donnalyn Bartolome.

When asked kung meron na ba siyang ginawang kabaliwan noon sa buhay niya when it comes to decision making, aniya wala daw siyang natatandaan.

“I don’t think na may nagawa akong kabaliwan sa buhay ko. Hindi ako nababaliw sa pag-ibig. Dahil mahal kita, walang baliw don. Talagang honestly mahal kita,” paliwanag niya.

Nagpasalamat naman ang beteranang aktres sa pagpapahalagang ipinakita sa kanya ni Direk Darryl lalo pa nung sabihin nito na dream come true na makatrabaho niya ito sa isang project.

“Maraming salamat Direk. Sobra akong natutuwa nakatrabaho kita. Ang taba ng utak mo. You’re one of the best directors na nakasama ko,” papuri niya sa Tililing director.