• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpapasalamat ang aktor na si Andrew Gan sa break na ibinigay sa kanya at iba pang bida ng pinaka bagong BL series kahit hindi pa makinang ang kanilang pangalan sa mundo ng showbiz.

Andrew Gan gives teasers on ‘Limited Edition’ BL series

Nagpapasalamat ang aktor na si Andrew Gan sa break na ibinigay sa kanya at iba pang bida ng pinaka bagong BL series kahit hindi pa makinang ang kanilang pangalan sa mundo ng showbiz.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/26/2021 11:57 AM
Andrew Gan gives teasers on ‘Limited Edition’ BL series
Photo Credit: @iamandrewgan Instagram

Sa ating exclusive virtual interview sa aktor na si Andrew Gan, candid niyang naibahagi ang ilan sa mga aabangang eksena sa bago niyang proyektong “Limited Edition,” na isang BL serye produced ng sikat na pageant shoe maker na si Jojo Bragais.

Kuwento ni Andrew, maraming eksena na pang gulat at talagang nilu-look forward niya na mapanood ng netizens.

“Abangan! Mas okay siguro un surprise nalang para may element of surprise! (laughs) And may mga ginawa ako dito na never ko pa nagawa before. Mapa-work or personal life, never pa. Kaya proud ako kinaya ko, kasi I know na worth it na ibigay yun. Dahil sobrang ganda ng story talaga. Kaya yung audition, pinag-pray ko talaga na makuha ko yung role. Tapos nalaman ko kung sino kalaban ko sa role na Jethro. Isang sikat na actor na din ng Kapamilya. I feel so blessed talaga and naniniwala ako sa God’s will.” sabi ni Andrew


All praises naman si Andrew sa kanilang producer na si Jojo Bragais at marami din siyang natutunan dito.

“Si Sir Jojo? Honest answer, napaka-down to earth and napakaganda ng puso niya para sa mga tao. Gusto niya matulungan yung mga kagaya namin dito sa industry. And one time nagkwentuhan kami. So na share niya kung paano siya nagstart talaga. Sobrang na inspire ako. And kahit successful na siya sobrang humble niya pa rin. Sobrang alaga kami sa set at kung what time kami gumigising sumasabay siya. Sinisimulan at tinatapos niya un shoot. Imagine 4am hangang next day 7am gising siya. Sobrang totoong tao niya. Hands up kami! And grateful ako dahil binigay niya tiwala niya sa 'min ni Jomari (Angeles) to play the lead roles kahit na hindi pa malaki name namin sa industry. Thank you so much Sir Jojo and  sa director namin,” dagdag pa ni Andrew

Buo na ang kanilang BL serye na binigyan direksyon ni Jill Singson Urdaneta at streaming na lang ang inaabangan dito.

“Done na kami mag-shoot. Nag-lock in kami mga almost 3 weeks. Bakit ending agad? (laughs) Basta ang masasabi ko lang, ihanda niyo na tissue niyo. Dahil i’m sure iiyak kayo. Kasi binigay namin lahat dito, especially sobrang bigat ng character ni Mario and Jethro. Madaming heavy scenes na magaganap. Sa tulong din ng aming mga award-winning supporting cast na sila Miss Yayo Aguila, Miss Ruby Ruiz and Miss Iyah Mina at siympre sa napakabuti at napakahusay namin na director na si Jill Urdaneta. 

"Sobrang free will kami gawin yung gusto namin. May mga inputs lang siya pero halos lahat kami hinahayaan niya. Kaya sobrang thankful kami ni Jomari kay direk. Mas na-express namin yung emotions na required for that scene dahil na din sa gaan ni direk Jill ka work. Kaya if you want na kiligin, tumawa, ma-in love at siympre maiyak, nasa 'Limited Edition' series niyo yan makikita,” lahad ni Andrew.

Dagdag pa niya, "We are preparing na for the teaser trailer. And sobrang excited na kami! Target is March 15 ang pilot episode sa BragaisTV YouTube channel then Netflix.”