• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na sa bagong pag-ibig ang aktres at singer na si Vina Morales.

Vina Morales, dasal na makahanap ng bagong pag-ibig

Handa na sa bagong pag-ibig ang aktres at singer na si Vina Morales.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/25/2021 12:15 PM
Vina Morales, dasal na makahanap ng bagong pag-ibig
Photo Credit: @vina_morales Instagram

Handa na sa bagong pag-ibig ang aktres at singer na si Vina Morales. 

Ito ang naging pag-amin niya sa kanyang panayam sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Pebrero 24. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

 

"Sana naman. Wish ko rin naman 'yun. Actually, isa rin 'yun sa pinagdadasal ko talaga," ani Vina. 

"Sana, someday, hindi ko alam kung kailan, but in God's time mangyayari naman 'yun," dagdag pa niya.

Huling nakarelasyon ni Vina ang French businessman na si Marc Lambert. Naghiwalay sila taong 2017, matapos ang higit dalawang taon na pagsasama.

Wala man siyang iniibig ngayon, masaya at mapagpasalamat pa rin si Vina dahil sa kanyang anak na si Ceana.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

 

Ani ng aktres, proud siya bilang single mom dahil napalaki niyang maayos at mabuting bata ang kanyang anak. 

"Proud ako sa sarili ko. Pinagmamalaki ko kasi lumalaki 'yung anak ko nang mabuting bata. Happy ako at thankful ako maski ako lang mag-isa na nagpapalaki sa anak ko," sabi ni Vina.

"Palagi ko lang dasal na sana... makasama [ko pa 'yung anak ko] nang mas matagal para ma-guide [ko] siya habang lumalaki siya at maybe magkapamilya na siya," patuloy pa niya. 

Ayon pa sa aktres, malaki ang pasasalamat niya na makita sa anak na kontento na ito sa kanyang magmamahal at paga-alaga.

"Alam mo thankful ako kasi napakasimple ng anak ko. Talagang hindi siya mareklamo," aniya. "Nararamdaman naman niya na mahal na mahal ko siya at lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Siguro kuntento na siya."

Si Ceana ay anak ni Vina sa dating kasintahan na si Cedric Lee, isang negosyante.