• Home
  • Fresh Scoops
  • Bumuwelta ang aktres na si Ellen Adarna sa isang netizen na bumatikos sa kanila ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Derek Ramsay.

Ellen Adarna bumuwelta sa basher nila ni Derek Ramsay

Bumuwelta ang aktres na si Ellen Adarna sa isang netizen na bumatikos sa kanila ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Derek Ramsay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/25/2021 08:58 AM
Ellen Adarna bumuwelta sa basher nila ni Derek Ramsay
Photo Credit: @maria.elena.adarna and @ramsayderek07 Instagram

Bumuwelta ang aktres na si Ellen Adarna sa isang netizen na bumatikos sa kanila ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Derek Ramsay. 

Ito ay matapos na mag-post si Ellen ng retrato nila ni Derek sa kanyang Instagram account nitong Miyerkules, Pebrero 24.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

 

"Public figure but not a good influence to youths," pahayag ng netizen sa Instagram post ng aktres.

Buwelta ni Ellen: "Yet you follow me, judge me, and allow your mind to be exposed to 'our' influence. Whose choice is that now? Shouldn't you be protecting yourself and your peace?"

Samantala, sinagot din ni Ellen ang komento ng isang tagahanga na nagtanggol sa kanila ni Derek laban sa mga bashers. 

"DEREK - Single dad, gwapo, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. ELLEN - Single mom, gwapa, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. BASHERS - Single, pangit, pobre, feeling perfect at pinoproblema ang buhay ng ibang tao! 2021 na uy!" sabi ng netizen.

Sagot ni Ellen: "Tawang tawa kami hahahaha @ramsayderek07"

Dagdag naman ni Derek: "Genius."

Enero nitong taon nang unang ma-link si Ellen kay Derek matapos mag-viral sa social media ang kanilang mga retrato at video na kuha sa isang pagtitipon na ginanap sa bahay mismo ng aktor. 

READ: Angelica and John Lloyd left the group chat? Bakit nga ba pinag-uusapan ang mga litrato nina Ellen Adarna at Derek Ramsay?

Simula noon ay sunod-sunod na ang pagbabahagi ng dalawa ng mga larawang magkasama sila. 

Sa naging panayam ng PEP.ph kay Derek, inamin ng aktor na masaya siya pagkakaibigan nila ni Ellen.

"Kami ni Ellen, we are the same in so many ways. Hindi kami takot na ipakita ang nararamdaman namin o ipakita ang naiisip namin," aniya.

"We really enjoy each other's company," dagdag pa niya.