• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating magkalaban sa pagiging alkalde ng Maynila sina Isko Moreno at Joseph ‘Erap’ Estrada.

Dating magka-political opponent na sina Isko Moreno at Joseph ‘Erap’ Estrada nagkaayos na

Dating magkalaban sa pagiging alkalde ng Maynila sina Isko Moreno at Joseph ‘Erap’ Estrada.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/25/2021 10:43 AM
Dating magka-political opponent na sina Isko Moreno at Joseph ‘Erap’ Estrada nagkaayos na
Photo Credit to Joseph “Erap” Estrada Facebook page

“Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong Joseph 'Erap' Estrada.”

Ito ang caption ni Manila Mayor Isko Moreno sa photo nilang dalawa ng aktor at dati ring alkalde ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada na ipinost niya sa kanyang Facebook page.

Kuha ang larawan noong February 20, 2021 sa isang kasalan na parehong imbitado ang dating political opponent na naglaban sa pagka-alkalde ng Maynila taong 2019.


READ: ‘Batang Seiko’: Why Isko Moreno decided to leave showbiz behind

Makikita sa picture na nakangiti at nag-shake hands pa ang dalawa. So, ibig sabihin ay burado na ang kung anumang hindi nila pagkakaunawaan noon dahil sa pulitika.

Sina Isko at Erap ay parehong mga artista na pumalaot sa pulitika at matagumpay na nabigyan ng pagkakataong maging public servant. Bago naging mayor ng Maynila ay naging vice mayor si Isko nung panahong si Erap pa ang incumbent mayor taong 2013.

READ: Experiences sa pagsisimula sa showbiz, bitbit ni Isko Moreno sa kaniyang trabaho bilang Mayor

Ayon pa kay Mayor Isko, kinumusta niya ang dating pangulo ng bansa at masaya siyang malaman na okey pa rin ang kalusugan nito hanggang ngayon.

“Kinumusta ko po siya, at kinumusta rin niya po ako. Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya. Yan din naman po ang panalangin ko para sa lahat ng mga Batang Maynila at mga Pilipino, ang manatiling ligtas sa pandemya at anumang karamdaman lalo na sa panahong ito.

“Kay dating Pangulong Erap, God bless you po. Stay healthy and safe,” huling pahayag ni Mayor Isko sa kanyang post.