Baron Geisler umamin sa pagkakaroon ng mental illness

Isa ding recovering alcoholic si Baron Geisler.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/25/2021 12:26 PM
Baron Geisler umamin sa pagkakaroon ng mental illness
Photo from Viva Entertainment

Nag-i-enjoy nang husto si Baron Geisler sa paninirahan niya sa Cebu kasama ang asawang si Jamie Evangelista at anak nilang si Baby Talitha Cumi. Lumilipad lang siya papuntang Maynila kapag meron siyang schedule na kailangan ang kanyang presence.

“I love everything about Cebu. The culture is great here. It’s somewhat a little different from Manila. Forty to forty-five minutes away, nasa dagat ka na, nasa bundok ka na.

“The people here are very straightforward. Ibig sabihin, hindi mga plastic ang mga taga-Cebu kaya gustong-gusto ko sila. Dito ako nag-transform to a better human being, and I met my wife here also and I also met God here. I discovered how great God is so that’s why my heart is here in Cebu,” paliwanag ni Baron kung bakit nagustuhan niya ang buhay sa Cebu.


Nakausap ng PUSH si Baron sa virtual media conference ng pelikulang Tililing ng Viva Films kung saan isa siya sa mga bida kasama si Ms. Gina Pareño, Candy Pangilinan, at Chad Kinis.

During the media conference hindi itinanggi ni Baron na nagkaroon siya ng mental illness. Malaking tulong daw ang pagkakaroon niya ng anak at asawa para malabanan ito.

Katwiran niya, “To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy.

“Somehow, natulungan niya rin ako na mawala yung pagka… I don’t want to use this term, but I have to—yung pagkatililing ko.

“I won’t hide it. I have a little bit of mental illness. I’m kind of crazy also, and I’m also recovering alcoholic. But I do my job, I do my work to get better.”

Naniniwala ang Tililing lead actor na kapag ginusto ng isang tao na magbago ay puwede raw itong mangyari.

READ: Liza Soberano apologizes for her comment on ‘Tililing’ poster: ‘I’m afraid my intentions were misinterpreted’

“For me, there’s room to become a better you and to improve yourself and there’s always room for improvement as long as you want it and I really want this.

“I want a family life, the whole package—wife, home, kids. I’m embracing it here right now in Cebu,” lahad pa ni Baron.

Showing na sa March 5 ang Tililing mula sa direksyon ni Darryl Yap. Mapapanood ito nang sabay sa Vivamax at sa ilang piling sinehan.