• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Angel Jones para sa matalik na kaibigang si Dionne Monsato na kamakailan ay na-engage sa kanyang boyfriend na si Bryan Stalder.

Angel Jones, boto sa fiance ng kaibigang si Dionne Monsanto

Masaya si Angel Jones para sa matalik na kaibigang si Dionne Monsato na kamakailan ay na-engage sa kanyang boyfriend na si Bryan Stalder.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/25/2021 06:27 PM
Angel Jones, boto sa fiance ng kaibigang si Dionne Monsanto

Masaya si Angel Jones para sa matalik na kaibigang si Dionne Monsato na kamakailan ay na-engage sa kanyang boyfriend na si Bryan Stalder.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, Pebrero 24, sinabi ni Angel -- na ina ni Tony Labrusca -- na boto siya kay Bryan para sa kaibigan. 


"Gwapo, maalaga, mabait," ang naging paglalarawan ni Angel sa nobyo ni Dionne.

"I like him also kasi he can give her anything she wants. I think that's very important because she deserves that. She deserves to be the happiest housewife ever," dagdag pa niya. 

Pebrero 6 nang inanunsyo ni Dionne ang kanyang engagement kay Bryan, na isang Filipino-Swiss businessman. 

Naging magkaibigan ang dalawa ng mahigit sampung taon bago sila nagsimulang nag-date noong 2018. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dionne Monsanto (@dionne)

 

READ: Dionne Monsanto gets engaged in Switzerland to non-showbiz boyfriend

Samantala, ibinahagi rin nina Angel at Dionne kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

"We have the same advocacy kasi. Doon kami nag-meet, in one of the activities of the advocacy because we're both celebrity ambassadors of The Red Whistle, an AIDS awareness campaign. So we go to different parts of the Philippines and we basically do AIDS awareness 101... So I think that's what really bonded us," kwento ni Dionne.

"And boy issues," dagdag naman ni Angel. "And also, we enjoy dancing. Kasi my kids are malaki na, so parang feeling ko bagets ako. Ito (Dionne) bagets. We just clicked. We love dancing. She makes me feel youthful. Ang saya niyang kasama. Parang Miss Congeniality so everyone likes her."

Ayon kay Angel, masaya siya na naging malapit silang magkaibigan ni Dionne. 

"I don't have that many friends kasi Inglisera ako, laking States so my mindset is different, right? So it's hard to make friends sometimes na nage-gets ako. What I love Dionne is she really gets me. 'Yung pagi-isip niya is so malawak and she's so outward thinking so she really understands me. We really get along," aniya.

"Ito pa. I think what I really, really like about her is walang drama, walang issue. Kasi ayaw ko ng drama, ayaw ko ng issue, ayaw ko ng tsismis. I don't like that. We're very diretsuhan. Kung may issue, sasabihin namin. Kung may ayaw, sasabihin. Super walang drama. Walang tampuhan. It's just so easy," patuloy pa niya.

Ayon naman kay Dionne, bukod sa pagiging understanding ay good listener din siya pagdating sa mga kaibigan. 

"I'm a very good listener. I only say my opinion on something kung tatanungin mo ako. Kasi minsan 'yun 'yung mali natin eh, nagbibigay tayo ng opinyon kahit hindi naman hinihingi. Ang kailangan lang pala is an ear to listen to," sabi niya.