• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang contestant sa Tawag ng Tanghalan ang humingi ng paumanhin sa hosts ng It’s Showtime at mga empleyado ng ABS-CBN dahil isa pala siya sa mga sang-ayon sa pagpapasara ng TV station noong Hulyo ng isang taon.

Tawag ng Tanghalan contestant, nagsisi sa post niya sa social media noon

Isang contestant sa Tawag ng Tanghalan ang humingi ng paumanhin sa hosts ng It’s Showtime at mga empleyado ng ABS-CBN dahil isa pala siya sa mga sang-ayon sa pagpapasara ng TV station noong Hulyo ng isang taon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/24/2021 04:20 PM
Tawag ng Tanghalan contestant, nagsisi sa post niya sa social media noon

Naging emosyonal ang naging epsiode ng Tawag ng Tanghalan kahapon, February 24, dahil sa isang contestant na aminadong nagkamali siya sa pag-sangayon sa ABS-CBN shutdown noong isang taon. Aniya, nadala siya ng mga nababasa niya sa social media na hindi niya man lang inanalyze kung totoo ba ang mga balitang ito o hindi. 

Ayon kay Kaloy Villaver, isang band vocalist na nagtrabaho abroad, nang ianunsyo niya sa kanyang social media ang kanyang pagsali sa Tawag ng Tanghalan, ay naungkat ang luma niyang posts, kung saan ay ginamit pa niya ang hashtag na #YesToABSCBNShutdown. Maraming nakuhang negatibong komento ang post niyang ito. 

READ: ‘Maraming pasabog’: ‘It’s Showtime’ to return to free TV with stellar production numbers


“Actually, iniisip kita kanina, paano kaya siya mag-pe-perform na alam siyang bina-bash siya?” sabi ng TV host na si Vice Ganda kay Kaloy. 

Sabi naman ng contestant: “Ready na rin po ako for that, e, kasi I was very vocal about my political stand before, noong nasa abroad [ako]. Hindi ko puwede i-deny ‘yun,” aniya. 

Dagdag pa ng dating OFW, “And I’m actually very thankful na binigyan po ako ng chance ng network to share my talent to everybody, and have my story heard, in spite of what I’ve done.”

Pagpapatuloy pa ni Kaloy, “Nahihiya po ako, actually,” Villaver said, when Vice Ganda asked how he feels to be performing inside ABS-CBN. “I have to be honest. Sobrang hiya po ako sa ginawa ko. I was barking at the wrong tree at that time.”

Ipinaliwanag ni Kaloy na nag-iba ang kanyang pananaw dito nang siya ay nakauwi na sa Pilipinas. 

“Na-influence po ako ng mga vlogs, pages that I was not able to validate if fact ba ‘yung binabasa ko. Marami po akong nabasa sa news na all the while I thought it’s fake, all the while I thought the media made it up. But I validated na totoo pala,” lahad niya.

Nagsisi naman daw siya sa kanyang mga sinabi noon: “Yes. May balik din talaga ‘yung lahat ng sinasabi mo. Even if it’s a long time ago. Nahihiya ako na mali ‘yung sinabi ko. I always realized that. From the bottom of my heart, I would like to say sorry to everybody. That’s why I’m here. Puwede naman po ako mag-back out. Gusto ko na nga mag-back out that time na I saw the post. 

“Hiyang-hiya po ako, dahil ‘yung pamilya ko, ‘yung asawa ko, nada-drag na rin sa issue. I’m being tactless and I’m being very careless about what I post, what I say. I took down my account, I deactivated my account, because I don’t want to drag anybody with my carelessness,” sabi pa niya.

Humingi din siya ng paumanhin kay Kim Chiu, na kapwa niya Cebuano, na nabash din ng todo noong panahong iyon ng mga taong gustong magsara ang network. “To you, siyempre kababayan ko, who gave me the chance na marinig ‘yung story ko, my story of change, my story of hope — I would like to thank and apologize to everybody, on behalf of the people who did the same thing. I would like to apologize to you guys.”

Si Vice naman ay aminadong  inisip niya kung ano ang sasabihin niya kay Kaloy. “Paano ko kaya kakausapin ‘to? Paano tayo magiging professional 'pag kinausap natin ‘yung tahasang nagsabing, ‘Yes, sana magsara kayo ABS-CBN.’ Paano kaya natin kakausapin ‘yung taong nag-wish na mawalan ng trabaho ‘yung marami nating Kapamilya?”

Ani pa ni Vice,“Alam niyo ba na bukod sa maraming nawalan ng trabaho, meron ding nawalan ng buhay dahil sa isyung ‘to. May namatay kaming Kapamilya, katrabaho, dahil hindi kinaya ‘yung balita na magsasara ang ABS at mawawalan siya ng trabaho ng bubuhay sa pamilya niya.”

Sumangayon dito si Kim at sinabing: “Nadadala sila sa sinasabi ng iba, ta’s dumadami na sila. Hindi nila alam ‘yung naging epekto hindi lang sa kumpanya mismo. Hindi niyo siguro naisip ‘yung mararamdaman namin as kaming mga Kapamilya.”

“Iba lang ‘yung pakiramdam na tayong mga Kapamilya, ‘yung mga nagsabing ‘Yes to ABS-CBN shutdown,’ pinapatuloy pa rin natin sila dito para ipakita ‘yung talent at tuparin ‘yung pangarap nila,” emosyonal na pahayag ng aktres. 

Panoorin ang panayam niya dito: 

Samantala, sinabi rin daw ng coordinator ng TNT kay Kaloy, na maintindihan ng programa kung gusto niya magback-out dahil sa pagiging viral ng kanyang post. 

“I don’t feel I deserve the chance,” sabi pa ni Kaloy. 

Pero sinagot siya ni Vice ng:  “Everybody deserves a chance, just like you, just like ABS-CBN. Everybody is deserving of all the chances. Binibigyan ka namin ng chance, binibigyan namin kayo ng chance na ma-realize ninyo na ang ABS-CBN ay dapat bigyan niyo rin ng chance na makapagbigay pa ng serbisyo sa inyo.”

“This is part of our journey to healing. Everybody needs to heal,” sabi pa ng Unkabogable Star.