• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na si Samantha Bernardo sa darating na laban sa Miss Grand International

Samantha Bernardo, first Miss Grand International candidate to arrive in Thailand

Handa na si Samantha Bernardo sa darating na laban sa Miss Grand International

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/24/2021 06:37 PM
Samantha Bernardo, first Miss Grand International candidate to arrive in Thailand
Photo credit: @samanthabernardo__ IG

Maagang laban ang sisimulan ng kandidata ng Pilipinas sa 2020 Miss Grand International na si Samantha Bernardo. 

Nitong February 24, 2021 ng umaga, lumipad ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International bilang unang kandidata na dumating sa host country.

Sa departure photos pa lang ng Pinay beauty queen, ramdam na agad ang determinasyon ng pambato ng Pilipinas na masungkit ang unang korona sa Miss Grand International.


Suot ang Thai-inspired dress, isang photo shoot agad ang inilabas ng Pinay beauty na nagpataas ng kumpyansa ng mga fans para sa kanyang gagawing laban.

 

 

 

 

Bukod sa mainit na suporta ng fans, ilang former Miss Grand Philippines na rin ang nagpahayag ng suporta sa gagawing laban ng 2020 Miss Grand Philippines.

 

 

 

 

Ilan na dito si Parul Shah, Eva Patalinjug, at Nichole Cordovez.

Sa darating na March 27, 2021 ipapasa ng reigning Miss Grand International na si Valentina Figuera ng Venezuela ang titulo sa 2020 Miss Grand International.