Rhian Ramos on being ‘anorexic’: ‘It doesn’t really hurt my feelings’

Rhian Ramos has no time for body-shamers.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/24/2021 01:25 PM
Rhian Ramos on being ‘anorexic’: ‘It doesn’t really hurt my feelings’
Photo Credit: @whianwamos Instagram

Malaki ang ipinayat ng aktres na si Rhian Ramos. At dahil dito kaya ayaw na naman siyang tantanan ng mga body-shamers. Matindi ang pagpuna nila sa itsura ni Rhian na naka-post sa Instagram na kesyo anorexic na raw at baka hindi na kumakain dahil sa sobrang pagda-diet.

Ano ang reaksyon niya dito?

“I just take it with a grain of salt, it doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors and part of my job is to know what I look like,” diretsong sagot ni Rhian.


“I don’t think I ever hear something that I don’t expect first because I know myself,” dagdag pa ng akres.

READ: Rhian Ramos aminadong hirap mag-move on sa breakup sa Israeli BF

Iginiit ni Rhian na health goals ang ginagawa niyang pagpapapayat at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.

“If there’s anything, someone else who doesn’t like with my body, eh,  di wag nila gawin sa sarili nila,” deklara pa niya. “Yung sarili kong gusto, taste, at health goals ang susundin ko,” sabi ulit ni Rhian.

Itinanggi rin ng dalaga na meron siyang eating disorders na katulad ng pinalalabas ng isang netizen. Dagdag pa ni Rhian, isa rin daw sa dahilan ng mabilis niyang pagpayat ay ang matinding stress na pinagdaanan niya simula nung magkahiwalay sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.