• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagama’t dumaan sa malaking pagsubok, pinili ni Vicki Belo an manatili sa tabi ng kanyang asawa na si Hayden Kho.

Hayden Kho, pinasalamatan si Vicki Belo sa kabila ng scandal noong taong 2009

Bagama’t dumaan sa malaking pagsubok, pinili ni Vicki Belo an manatili sa tabi ng kanyang asawa na si Hayden Kho.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/24/2021 11:21 AM
Hayden Kho, pinasalamatan si Vicki Belo sa kabila ng scandal noong taong 2009
Photo Credit: @dochayden Instagram

Ibinahagi ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo ang kanilang pinagdaanan matapos ang kontrobersyal na isyung kinaharap nila mahigit isang dekada na ang nakalipas. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Hayden Kho Jr (@dochayden)


 

Sa vlog ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga, napag-usapan ang tungkol sa isyung kinaharap ni Hayden noon kung saan kumalat ang iba’t-ibang sex scandals nito noong taong 2009. 

“There’s a lot of humiliation. There’s a lot of fear. And there's a feeling of desperation na what I'm going to do to fix this,” pag-amin ni Hayden sa nasabing vlog. 

Ani Vicki, ilang buwan bago maisapubliko ang mga nasabing videos ni Hayden ay naghiwalay na sila.

Ngunit dahil dumaan sa matinding depresyon si Hayden, nagdesisyon si Vicki na manatili sa tabi niya upang tulungan ito harapin ang mga pagsubok.

READ: Vicki Belo pens sweet birthday message for Hayden Kho

“For three days, he didn't wake up. Who else is going to take care of him? I was the one. His neurologist decided to do an EEG which is a brain wave measurement. It was very low,” saad ni Vicki. 

Todo naman ang ginawang pagdarasal ni Vicki para kay Hayden. At nang gumaling si Hayden, napagtanto umano nito ang kanyang layunin sa buhay. 

“Looking back, I realized it's very true that sometimes God allows you to go through shameful things because that's actually grace and mercy. At ‘yun na lang ipapa-experience niya sa 'yo just to wake you up,” ani Hayden. 

 

 

Pag-amin pa nito, ang Diyos ang nagsilbing gabay niya sa kanyang laban. 

“I discovered Christ and really got to know my Lord. Without intending to really change, I just noticed, some of my friends were already commenting na ‘iba na 'yung disposition mo. You are at peace,’” ani Hayden. 

Higit pa dito, natutunan uamano niya na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

“I am precious. I am important. I am made from the image of God. I have purpose. If you experience that kind of love that really transforms you. When I met Christ, I learned love is not an idea. Love is actually a person,” aniya. 

READ: Hayden Kho says faith changed relationship with Vicki Belo

Todo naman ang pasasalamat ni Hayden kay Vicki para sa binigay nitong pagkakataon sa kanya. 

“Kung ako lang, on my own, I won't really be able to survive. I thank my family, Vicki, interestingly siya ‘yung na-offend ko; siya pa 'yung ka-help ko doon. Most importantly, it's God. I experienced God's love through my wife Vicki,” ani Hayden.