• Home
  • Fresh Scoops
  • Suportado din ng mister ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli any kanyang pagbabalik concert.

Premium ticket ng ‘Tala: The Film Concert’ ni Sarah Geronimo, sold out na sa KTX

Suportado din ng mister ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli any kanyang pagbabalik concert.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/22/2021 04:13 PM
Premium ticket ng ‘Tala: The Film Concert’ ni Sarah Geronimo, sold out na sa KTX

Kahit pansamantalang hindii nakikita ngayon tuwing Linggo sa ASAP Natin ‘To, hindi rin maawat sa pagbibigay suporta ang fans ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na abala ngayon sa Tala, The Film Concert.

Sa website ng KTX.ph, sold-out na ang premium ticket na nagkakahalaga ng P3,000 para sa VVIP ticket kung saan mayroong exclusive pre show experience ang mga ticket buyer.

 


 

Ang Tala, The Film Concert ang masasabing pagbabalik concert scene ni Sarah na huling napanood sa sold-out one night Unified concert kung saan naka back to back ng Popstar Royalty si Regine Velasquez.

Gaya ng maraming popster na excited ngayon sa upcoming concert ng kanilang idolo, nagpahayag rin ng suporta ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli na pinuri rin ang desikasyon ng misis sa nalalapit na digital concert.

“Hi guys, I’d like to personally invite you to experience my wife’s ‘TALA’ the film concert this coming March 27, 2021. She worked extremely hard for this show because her goal was to really produce something extra special for her audience and I personally witnessed how she creatively collaborated with her team. Get you tickets now!! Enjoy!!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

 

Sa darating na March 27, 2021 gaganapin ang Tala, The Film Concert. directed by Paul Basinillo.