• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang aktres at host na si Kris Aquino sa mga ‘tinamaan’ sa sikat na kantang ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre.

Kris Aquino, inaming ‘tinamaan’ sa kantang ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre

Isa ang aktres at host na si Kris Aquino sa mga ‘tinamaan’ sa sikat na kantang ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/22/2021 09:52 AM
Kris Aquino, inaming ‘tinamaan’ sa kantang ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre
Photo Credit: @krisaquino Instagram

Isa sa Kris Aquino sa mga "tinamaan" sa sikat na kantang "Paubaya" ni Moira dela Torre.

Inamin ito ng aktes at dating Kapamilya host sa kanyang Instagram post nitong Linggo, Pebrero 21. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

"Like all of you, natamaan din ako nung 'PAUBAYA' music video/short film for @moirarachelle’s song. She and her husband, Jason (Marvin) are brilliant because dinagdag nila yung lines:

PINAPATAWAD...

PINAPALAYA...

PINAPAUBAYA ko na, sa Kanya..." ani Kris.

"My interpretation of 'sa KANYA' is that whatever happens for both in the future, let both surrender to God’s will."

Pinagbidahan ng dating magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia—na nakasama ni Kris sa pelikulang I Love You, Hater noong taong 2018—ang music video ng "Paubaya."

Mula nang ilabas ito noong Valentine's Day, pumalo na sa mahigit 18 million ang views ng nasabing video sa YouTube. 

READ: Closure? Julia Barretto and Joshua Garcia write their scripts for ‘Paubaya’ MV

Sa kanyang post, ibinahagi rin ni Kris ang kanyang pananaw ngayon pagdating sa pag-ibig.

"Early last night my good friend Michael Leyva passed by... He’s still young so I understand why this was his point of view about relationships. He said, 'Ate, natutunan ko na pag magmahal ka 'wag mong ibigay ang lahat, maging selfish ka nang konti para kung hindi mag-work, kung matapos na, hindi ka ubos, mas madaling mag move on,'" kuwento ni Kris. 

"I kept quiet because for every person, we’ll look at love differently based on our experiences. 14 years ago, I would have agreed with Michael 100%. BUT as you grow older, you realize how you love evolves... Hindi na nagbibilang," dagdag ng aktres.

"I’m not a halfway type of person. I want to see it through until there will be no more what ifs," patuloy pa ni Kris. "The difference now is that in the past I only wanted my what ifs answered. I learned it goes both ways, as much as I needed my questions answered, so did he. The old me worked to be sure I’d be okay at the end. This time around I’ll continue caring about how kindly life will treat him."

Huling na-link si Kris sa aktor at dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista.

Bago kay Herbert, si Kris ay ikinasal sa PBA star na si James Yap, na tatay ng kanyang busong anak na si Bimby. Taong 2010 nang tuluyang naghiwalay ang dalawa matapos ang limang taon na kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
 
Samantala, sa post ni Kris ay makikita ang retrato ng isang bouquet na umano'y natanggap niya para sa kanyang ika-50 kaarawan noong Pebrero 14.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

"I chose these roses among all I received because maybe in the next few months not only my body will somehow heal... Maybe I’ll be ready," ani ng aktres na hindi pinangalanan ang nagbigay sa kanya ng nasabing bulaklak.

"'Pinapaubaya ko na... sa KANYA,'" pagtatapos ni Kris.