• Home
  • Fresh Scoops
  • Hands on mommy ngayon si Dianne Medina sa kaniyang anak na si Baby Joaquin.

Dianne Medina, nagkuwento tungkol sa journey bilang first time mommy

Hands on mommy ngayon si Dianne Medina sa kaniyang anak na si Baby Joaquin.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/22/2021 07:59 PM
Dianne Medina, nagkuwento tungkol sa journey bilang first time mommy
Photo credit: @dianne_medina IG

Six months after isilang ang kaniyang first baby na si Joaquin, focus sa healthier lifestyle ngayon ang TV host-actress na si Dianne Medina.

Sa exclusive interview ng PUSH kay Dianne sa naganap na PLDT Ka-Asenso Star Bazaar, ibinahagi ng first time mommy ang kaniyang balik-alindog goals kasabay na kaniyang trabaho bilang isang working mom.

 


 

“I’m in a low-fat diet, so I make sure na I want to be healthy also not just for myself but also for my family so I could take care well of my baby Joaquin and my husband and this is what we are promoting. I want to show na siyempre ‘yung mga mommies diyan na nothing is impossible,” tugon ni Dianne sa panayam.

At bilang first time mommy, aminado si Dianne na hindi madali ang proseso ng pag-aalaga sa sarili lalo pa at dumanas siya ng postpartum depression na isa sa mga pinagdaraanan ng mga kababaihan matapos ang panganganak.

“Kasi ‘yung iba siyempre we go through postpartum. And what I like about that is we can also promote self-worth and self-care through healthy lifestyle. So ‘yun naman ‘yung gusto natin na maka inspire din ng mga mommies na kung nagagawa natin na mas maging maayos ang mga pangangatawan natin,” sabi pa Dianne.

Speaking of postpartum, ibinahagi rin ni Dianne kung paano niya nalagpasan ang pinagdaanang depression at anxiety attacks.

EMBED: https://www.instagram.com/p/CLRqECwpsDU/?igshid=32wxjy0u4830

“To be honest, yes. Nagkaroon ako ng several anxiety attacks, postpartum depression, but you know with the support system of my family, most specially my husband is very loving and supportive. I was able to overcome everything,” ani Dianne.

Malaking tulong rin para sa TV host-actress na lagpasan ang pinagdaanang postpartum ang pag-gugol niya ng kaniyang oras sa kaniyang anak.

“Pag-tinitignan mo ‘yung anak mo, worth every pain, worth everything talaga. Iba ang pakiramdam kapag nakikita ko si Joaquin.”

Kasabay pag move-forward ni Dianne sa postpartum, isa rin sa mga realizations niya bilang nanay ang mga pagbabago sa kaniyang priorities.

“Everything really changed. Priorities, everything kasi dati it’s everything me and Rodjun, all about my career, work as a host and as an events company owner. Ngayon, it revolves around my son. Lahat ng oras ko, siya muna bago ang ibang mga bagay.”

Sa ngayon, aktibong TV host si Dianne sa government TV Network habang nakatutok sa kanilang negosyo ng kaniyang mister na Cruzfit apparel