• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi alam ng marami na kapatid na halos ang turing ni Ara Mina sa Megastar na si Sharon Cuneta

Ara Mina, kinuhang ninang sa kasal si Sharon Cuneta

Hindi alam ng marami na kapatid na halos ang turing ni Ara Mina sa Megastar na si Sharon Cuneta

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/22/2021 06:18 PM
Ara Mina, kinuhang ninang sa kasal si Sharon Cuneta
Photo credit: @therealaramina @reallysharoncuneta IG

Pagkatapos ng lock-in taping ni Ara Mina para sa FPJ’s Ang Probinsyano sa Batangas ay inasikaso agad ng aktres ang ilang detalye para sa nalalapit nilang kasal ng fiancé niyang si Dave Almarinez.

Si  Dave ang president at CEO ng Philippine International Trading Corporation. Siya rin ay dating board member ng Laguna.

 


 

“Nasa planning stage na kami for the wedding at isa yon sa pinagkakabisihan ko ngayon,” bulalas ni Ara. “We are planning kasi to have a church/garden  wedding,” dagdag niyang kuwento.

Ibinahagi rin ni Ara na isa sa magiging ninang nila sa kasal ni Dave ay si Megastar Sharon Cuneta.

“Para sa ilang hindi pa nakakaalam, sobrang close kasi sa akin si Ate Sharon na magiging Ate Ninang ko na. Nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz noon pero ipinaramdam niya sa akin yung love. Napakalaki niyang artista pero pumayag siya na maging ate ko kaya gusto kong maging part siya ng bagong chapter ng buhay ko,” sambit ni Ara.

Idinagdag din ni Ara na balak niyang kausapin si Sharon para humingi ng ilang advice ngayong  papasukin na niya ang pag-aasawa.

Si Sharon ay matagal nang malapit na kaibigan ni Ara. “Ate” ang tawag niya sa Megastar.

Samantala, inamin ni Ara na bago ang wedding proposal sa kanya ni Dave ay nag-away sila ng boyfriend niya.

 

 

“Nagkatampuhan kami a night before the proposal. Inaway ko siya, wala lang,  petty quarrel,” pagre-recall ni Ara.

Ang buong akala kasi ni Ara noon ay walang oras sa kanya si Dave. Pero ang totoo ay inaasikaso na nito ang binabalak na wedding proposal na naka-schedule noong January 12.

“Umaayaw na ako. Sabi ko, ‘Hindi ako sasama sa ‘yo para mag-register.’ Gumanu’n ako. Sabi ko, ‘Ayoko na! Hindi na ako sasama sa ‘yo bukas!’ Gumanu’n talaga ako.

“Tapos sobrang sad niya. Tapos nagpakalma muna ako. Tapos I hugged him. I said I’m sorry. Yon pala may naka-prepare. Walang hiya. Ha-ha-ha!”

“Wala talaga akong alam. Kaya nga du’n sa proposal, yung hinahampas ko siya, sabi ko, ‘Inaaway pa kita kagabi.’ Ganu’n. Kaya ko hinahampas,” kuwento ni Ara.

 

 

Aminado rin si Ara na talagang ikinagulat niya ang naturang engagement.

“Sobrang shock ako. Sino ba namang mag-iisip na don sa city hall siya magpo-propose, di ba? I mean, wala pa akong nakikitang ganu’n. Mahilig akong manood ng mga proposal videos at wedding videos, pero walang ganun.

“Usually kasi sa restaurant, garden, or mall or kung anu-anong gimik,  di ba? Pero sa city hall, parang wala pa akong nakitang ganun,” sambit ng Ang Probinsyano star.

Samantala, wala pang ibinibigay na exact date sa amin si Ara kung kelan magaganap ang church/garden wedding nila Dave. But definitely early this year daw ito mangyayari.