• Home
  • Fresh Scoops
  • Namayapa na ang stepdad ni Aiko Melendez na si Dan Castañeda.

Daddy Dan ni Aiko Melendez, pumanaw na

Namayapa na ang stepdad ni Aiko Melendez na si Dan Castañeda.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/21/2021 07:26 PM
Daddy Dan ni Aiko Melendez, pumanaw na
Photo Credit: @aikomelendez on IG

Sumakabilang-buhay na ang stepdad ni Aiko Melendez na si Dan Castañeda.  

Sa Instagram, ibinahagi ni Aiko ang ilan sa mga litrato kung saan makikitang kasama ang kanyang ama. 

Dad @dancas123. You will always be my one and only Daddy! Thank you for always being here for me and my kids... You will be missed … ‘Till we meet again,” saad ni Aiko. 


Read: PANOORIN: Aiko Melendez, nag-walk out sa interview ni Ogie Diaz

Sa isa pang Instagram post, humingi naman ng tulong si Aiko sa kanyang ama upang malapagpasan ang kanyang pinagdadaaanan ngayon.  

Dad @dancas123 How? Help me Dad. Pause.”  

 

 

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay ng ilang artista para kay Aiko kasunod ng balitang pumanaw na ang ama nito.  

My deepest condolences @aikomelendez. Mahigpit na yakap Sis,” saad ng kaibigan nitong si Katrina Halili.  

Hugging you now gf. Condolence again,” ani Carmina Villaroel.  

Read: Aiko Melendez, dinepensahan ang panayam kay Harry Roque: ‘Sumusunod po kami sa protocol’

Saad naman ni Regine Angeles: “So sorry for your loss, Ate. May he rest in peace.” 

Sambit ni Dimples Romana: “Condolences po ate.”  

So sorry to hear this. My sincerest condolences,” saad naman ni Coney Reyes.  

 

 

Hindi naman sinabi ni Aiko ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama. May isang kapatid si Aiko sa stepdad nitong si Dan, si Angelo.  

Naunang namayapa ang biological dad ni Aiko na ang aktor na si Jimi Jimenez noong 1997.