• Home
  • Fresh Scoops
  • Hiling ni Loisa Andalio sa kaniyang followers ang dagdag na dasal para sa kaniyang agarang paggaling.

Loisa Andalio, on break muna sa ‘ASAP’

Hiling ni Loisa Andalio sa kaniyang followers ang dagdag na dasal para sa kaniyang agarang paggaling.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/20/2021 03:03 PM
Loisa Andalio, on break muna sa ‘ASAP’
Photo credit: @iamandalioloisa Instagram

Pansamantalang magpapahinga muna ang Kapamilya star na si Loisa Andalio sa Sunday noontime variety show na "ASAP Natin ‘To"

Sa pamamagitan ng isang tweet, sinabi ni Loisa na kinakailangan muna niya “magpagaling” na dahilan para pansamantala siyang hindi mapapanood sa longest running Kapamilya show.


“Wala po muna ako sa ASAP this Sunday, papagaling po muna ako,” ani Loisa sa tweet.

Bahagi rin ng nasabing post ang panigurado ni Loisa na negatibo siya sa COVID-19 na nakumpirma niya sa isinasagawang health and safety protocols ng ABS-CBN sa mga bituin na pumapasok sa bakuran ng network.

“Pero 'wag kayo mag-alala negative naman po yung result ko. Pero siyempre need ko pa din po ipahinga para  gumaling agad, at sa safety na din ng iba,” sambit pa ni Loisa sa tweet.

Sa huling bahagi ng tweet ni Loisa, isa lang rin ang kaniyang hiling mula sa kaniyang mga kaibigan at mga followers.

“Ayun lang po. Pray lang sa mabilis na pag galing. thank you!” pahayag ng Kapamilya star.

Hindi man malinaw ang kalagayan sa kalusugan ni Loisa, umaasa ang kaniyang fans na maging maayos ang kalusugan ng kanilang Idolo.

Ang "ASAP Natin ‘To" ay napapanood tuwing Linggo sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11 at TV5.