From rags to riches: Mga celebrities na lumaki sa hirap

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/20/2021 12:18 PM
From rags to riches: Mga celebrities na lumaki sa hirap

Before the glitz and glamour of showbiz, they also had their fair share of humble beginnings.

Today, kilalanin natin ang ilan sa sikat na celebrities na lumaki sa hirap.

Sino sila? Let’s find out!


Vice Ganda

Literally rags to riches!

Known as Tutoy in his younger days, Vice grew up in Tondo kung saan nagtitinda ang pamilya niya ng basahan bilang kanilang kabuhayan.

However, when his father died, kinailangang magtrabaho ng kanyang ina as a caregiver abroad.

Meanwhile, sumabak naman sa gigs bilang stand-up comedian sa comedy bars si Vice.

Eventually, he started appearing on television at ngayon ay isa na siya sa mga pinakatanyag na entertainer sa bansa.

Jericho Rosales

Before becoming the dashing actor that he is, Jericho Rosales used to juggle odd jobs for a living.

Nangongolekta siya noon ng discarded wires and old newspapers upang ibenta sa junk shops.

Bukod pa rito, naglako rin siya ng ice buko at nagtinda ng isda sa palengke.

Eventually, naging jeepney barker, pizza boy, at driver din siya.

Despite the challenges, he strived hard to get his family out of poverty. At ngayon nga ay isa na siya sa mga seasoned actors sa bansa.

Erich Gonzales

Lumaki si Erich Gonzales without her dad by her side.

And before she became the actress that we love today, she and her family had to live in a makeshift house behind a church.

But thanks to the reality talent search Star Circle Teen Quest kung saan nanalo siya noong 2004, nagbago ang buhay ni Erich.

It opened the door of countless opportunities for her at ngayon ay isa na siyang successful actress.

Maymay Entrata

Maymay Entrata has always been open about her family’s status in life.

Ang pagiging simple at genuine niya ay kabilang sa mga dahilan kung bakit siya minahal ng masa kahit noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.

Before emerging as the Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, her family could barely afford fried chicken at nakakakain lang sila nito during special occasions.

May mga bagay din siyang hindi nabibili katulad ng mga gusto niyang damit.

Pero lahat ng ito ay nagbago after PBB. However, kahit iba na ang kanyang buhay ngayon, Maymay makes sure to spend her money on important things.

Pia Wurtzbach

Bata pa lang ay naging breadwinner na ng kanyang pamilya si Pia Wurtzbach.

At the age of 11, pinasok na niya ang modeling and acting upang makatulong sa kanyang pamilya.

Eventually, sumubok pa siya ng ibang trabaho katulad ng pagiging waitress at factory worker.

Pero bumalik si Pia sa acting at kalaunan ay pinasok na rin ang mundo ng beauty pageant.

Her feat at the Miss Universe was the turning point for Pia’s life and she’s now living it to the fullest.

Marvin Agustin

Bago pasukin ang mundo ng showbiz, iba’t ibang trabaho rin ang nasubukan ni Marvin Agustin.

He used to work as video store clerk, a waiter, and even a mascot upang makatulong sa kanyang pamilya.

Fortunately, while working at a restaurant, nadiscover siya ng isang talent scout and the rest is history.

Currently, bukod sa pagiging aktor, isa na ring successful businessman si Marvin.

Proud ka ba sa mga narating nila sa buhay?

Share your thoughts in the comments!