• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa March 27 na ang coronation night ng Miss Grand International.

Former Miss Grand International PH, suportado ang laban ni Samantha Bernardo

Sa March 27 na ang coronation night ng Miss Grand International.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/20/2021 03:34 PM
Former Miss Grand International PH, suportado ang laban ni Samantha Bernardo
Photo credit: Bb. Pilipinas (Official) FB Page

All set na ang kinatawan ng Pilipinas na si Samantha Bernardo para sa nalalapit na coronation night ng Miss Grand International 2020.

Si Samantha ang lilipad sa Bangkok, Thailand para ibandera ang gandang Pilipina sa Grand International stage na gaganapin sa Show DC Hall sa March 27, 2021.

READ: Confirmed: Samantha Bernardo, to represent PH in latest edition of Miss Grand International


Sa mga uploaded photos ng Binibining Pilipinas Facebook page, ibinahagi nila ang isang pictorial kung saan kasama ng first Filipina representative sa Miss Grand International na si Parul Shah ang reigning Miss Philippines Grand International.

“Your first ever Bb. Pilipinas (Official) Miss Grand International Parul Shah supports Samantha Bernardo in her quest to the first golden crown for the Philippines.” 

Bukod kay Parul Shah na lumaban sa Miss Grand International noong 2015, ilang Pilipina na rin ang sumubok sa Miss Grand International stage tulad ni Nicole Cordovez na first runner up taong 2016, Elizabeth Clenci na second runner up noong 2017. 

Sa ngayon, puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Bernardo para sa kanyang nalalapit na laban sa March 27, 2021 sa Bangkok, Thailand.