• Home
  • Fresh Scoops
  • Puno ng sweetness ang mga social media post ng Philippine athlete na si Miggy Bautista.

Isang atleta, inspirasyon si Juliana Gomez ngayon

Puno ng sweetness ang mga social media post ng Philippine athlete na si Miggy Bautista.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/02/2021 08:24 PM
Isang atleta, inspirasyon si Juliana Gomez ngayon
Photo Credit: @miggy_piggyy and @gomezjuliana Instagram

Kilig overload ang latest social media posts ng Filipino athlete na si Miggy Bonnevie Bautista kasama ang unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres Gomez na si Juliana.

Sa isang black and white Instagram post ni Miggy, makikita ang sweet moments ng dalawa.

 


 

Walang caption ang nasabing Instagram post ng Filipino athlete pero isang reply na “peace out” na sinundan ng “red heart” emoji mula kay Juliana ang lalong nagpatingkad ng kulay sa spekulasyon na inspired ngayon ang unica hija ni Goma at Lucy.

Ayon sa bio ni Miggy sa kanyang social media account, siya ay isang athlete mula sa Ateneo De Manila University at miyembro rin Philippine National Fencing team.

 

 

 

 

Hindi ito ang unang retrato na magkasama si Juliana at Miggy. Sa isang social media post noong December 26, magkasama rin sina Juliana at Miggy habang umiinom ng wine.

 

 

Ayon sa background, ang mga retrato ay kuha mismo sa tahanan ng pamilya ni Juliana sa Ormoc City, Leyte kung saan naka-base ngayon si Juliana kasama ng kaniyang ama na si Richard Gomez.