• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinayuhan ni Korina Sanchez si Divine Lee na magpa-freeze ng kanyang eggs.

Divine Lee, idea ni Korina Sanchez ang kanyang IVF babies

Pinayuhan ni Korina Sanchez si Divine Lee na magpa-freeze ng kanyang eggs.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/02/2021 03:32 PM
Divine Lee, idea ni Korina Sanchez ang kanyang IVF babies
Photo Credit: @divinemlee Instagram

Ang veteran broadcast journalist pala na si Korina Sanchez ang nag-advise sa TV personality at host na si Divine Lee na sumailalim na lang sa IVF (In Vitro Fertilization) procedure para magkaroon ng anak. Sa kasalukuyan ay dalawa na ang anak ni Divine – si Basquiat Delfin o Baz na isinilang noong May 2018 at si Blanca Dietrich na noong October 2019 naman ipinanganak.

Kasal si Divine kay Blake Go at naninirahan sila sa Cebu.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Divine Lee Go (@divinemlee)

 

Ayon kay Divine, walang kahirap-hirap ang kanyang pagbubuntis dahil sa advice ni Korina.

“Medyo late ako nag-asawa—35. But thanks to Korina who taught me how to freeze my eggs. Hindi naman ako nagkaroon ng problema with having children because a few guys don’t know that all my children are IVF,” pagtatapat ni Divine Lee sa ilang press na present sa virtual media con na ipinatawag ng Viva bilang pagwe-welcome sa kanya as contract artist.

Dagdag niyang kuwento, “They’re all IVF kids. Because I was pretty close to Korina, so, at 26, she told me, ‘Bakit hindi mo pa i-freeze yung eggs mo since you’re so high on life.’”

Hindi itinanggi ni Divine na nagdalawang-isip din siya sa payo ni Korina dahil ang akala niya ay isang “taboo” ang i-freeze ang kanyang eggs. Pag-aaksaya din daw ng pera ang kanyang gagawin dahil medyo may kamahalan ang IVF procedure.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Divine Lee Go (@divinemlee)

 

“Pero ako, parang sige na. Siyempre, parang Chinese pa kami, di ba? Yung mga tita, tito ko nagsasabi, ‘Ano ba yan, aksaya ng pera. Wala ka bang balak mag-asawa?’

“But I did it! That’s why I think ang tagal ko ring gumigimik kasi wala akong parang fear na kailangan ko nang mag-asawa, kailangan ko nang magkaroon ng anak.

“The month of our wedding was also the same month I had them put in Baz, so wala talaga akong waiting point. I didn’t have a problem trying to conceive because I already had my eggs frozen,” lahad niya.

Samantala sa naturang interview namin kay Divine ay inamin nitong nagkaroon siya ng COVID-19 virus noong July 2020.

Fourteen days daw siyang nag-isolate sa kanyang kuwarto habang naka-confine naman ang asawa sa ospital na nagka-COVID-19 din. Mabuti na lang daw at gumaling din silang mag-asawa. Dagdag pa ni Divine, hirap na hirap ang kalooban niya na during the 14 days quarantine dahil hindi niya mayakap at makausap ang dalawang anak.