Ama ni Manilyn Reynes, pumanaw na

Namaalam na ang ama ni Manilyn Reynes.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/02/2021 04:34 PM
Ama ni Manilyn Reynes, pumanaw na
Photo Credit: @manilynreynes27 Instagram

Inanunsyo ng singer at aktres na si Manilyn Reynes sa isang Instagram post na sumakabilang-buhay na ang kanyang ama na si Nelson Reynes umaga nitong Martes, Pebrero 2. 

 

 

"Pahuway na, Dy. Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka. Namu nilang Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael," saad ni Manilyn sa kanyang Instagram post. 

(Pahinga na, Dy. Wala ng sakit at hirap para sa'yo. Mahal na mahal kita, kami nina Aljohn, Kyle, Kirk, at Kael)

READ: Anak ni Manilyn Reynes, talented comic illustrator na

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Manilyn apat na araw bago pumanaw ang kanyang ama, humingi ito ng panalangin sa kanyang mga tagahanga. 

“Please help us pray for Daddy. Salamat po,” saad ni Manilyn. 

 

 

Samantala, hindi naman sinabi ni Manilyn ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama.