Mickey Ferriols may regrets na inuna noon ang love life kesa sa career

Inamin ni Mickey Ferriols na selosa din siya noon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/18/2021 11:08 AM
Mickey Ferriols may regrets na inuna noon ang love life kesa sa career
Photo Credit: @mckeyf Instagram

Ibinahagi ni Mickey Ferriols sa PUSH kung ano ang mga pinagsisihan niya noon sa kanyang career at dapat sana ay hindi niya ginawa habang dumarating sa kanya ang magagandang showbiz opportunities. Isa na raw dito ang pag-priority niya sa love life.

“Career-wise, yon nga. Ngayon madalas mangyari na I looked back on the day when I was starting. I had offers from ganitong network and I had a stable hosting job, pero inuna ko ang personal life – yung love life, ganyan,” pagtatapat ng actress-host.

“And I didn’t know better, na ngayon pag iniisip ko, lagi kong sinasabi na sana, ‘Dapat ito ang inuna mo, sana ganito.’ Kasi yung mga inuna ko nung panahon na yon wala na. Yung love life ko noon wala na, di ba? Mas naging maganda sana ang career ko kung hindi yung mga love life na yan ang inuna ko,” dugtong ni Mickey.


READ: How did Mickey Ferriols and ex-partner Archie Alemania finally get on good terms?

Nagkaroon din daw siya ng regret noon sa personal na buhay at naging sobrang selosa.

Kuwento niya, “Sa personal naman, siguro ang regret ko is nung hindi na ako Christian tapos lagi akong selosa. Alam mo yon, kada ano selos, selos, selos. Yang mga insecurity kasi na yan walang pinipili, di ba?”

Ipinagmalaki naman ni Mickey na kahit hiwalay na sila ni Archie Alemania ay malapit ang anak niyang si Brent sa tatay nito.

“Si Archie, wala kaming yung strict rules na dumaan sa korte, wala kasi kaming ganun, eh. Ang iniisip ko kasi Brent needs Archie as much as he needs me, so Archie can see him any time. Ang alam ko nga in April pupunta yata silang mag-ama sa Boracay to celebrate his birthday. Very close siya kay Archie and sa akin,” lahad pa niya.

 

 

Ngayong nasa bakuran na ng Viva si Mickey ay handa daw siyang mag-explore ng iba’t ibang role and to work with younger actors in a project.

“Yeah. I mean, ang role kasi naming mga actors is to act, eh. So whatever new challenge or whatever new role is given to me I would gladly welcome that. Medyo ano lang, medyo wala lang sigurong torrid-torrid na… hindi ko yata kakayanin yon,” natatawa niyang pagtatapos.