• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakaibang National Costume competition ang mapapanood ngayong taon sa Binibining Pilipinas.

Augmented Reality show inilunsad ng Binibining Pilipinas

Kakaibang National Costume competition ang mapapanood ngayong taon sa Binibining Pilipinas.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/18/2021 06:56 PM
Augmented Reality show inilunsad ng Binibining Pilipinas
Photo credit: @bbpilipinasofficial IG

Kasunod ng announcement ng pagtuloy ng Binibining Pilipinas ngayong 2021, hindi na mapipigilan ang pageant activities na inihanda ng Binibining Pilipinas Charities Inc para sa mga fans na masugid na naghintay para suportahan ang kanilang mga pambato.

Isa na dito ang Augmented Reality National Costume show na inilunsad ng Binibining Pilipinas para maisakatuparan pa rin ang National Costume competition.

 


 

“There’s more than meets the eye! Here's a sneak peek of the Binibinis in motion with their beautiful national costumes. Check out the Binibining Pilipinas natcos photos via our interactive augmented reality!”

Sa pamamagitan ng pag-scan sa bar code gamit ang smartphone, mapapanood at makakapg-bigay suporta ang pageant fans sa kani-kanilang mga paboritong kandidata na lalaban para sa mga korona nasa ilalim ng Binibining Pilipinas.

Sa darating na April 17, 2021 kumpirmado na ang   coronation night ng Binibining Pilipinas kung saan kokoronahan ang pambato ng bansa para sa susunod na Miss Globe, Miss Grand International, Miss Intercontinental at ang Miss International.