• Home
  • Fresh Scoops
  • Idinidiin din ng nasabing fan na nagkarelasyon sila ni Teejay Marquez.

Teejay Marquez nagsalita tungkol sa P10M utang umano sa obsessed fan

Idinidiin din ng nasabing fan na nagkarelasyon sila ni Teejay Marquez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/17/2021 01:57 PM
Teejay Marquez nagsalita tungkol sa P10M utang umano sa obsessed fan
Photo Credit: @teejaymarquez Instagram

Pelikula na ang BL series ng Regal Entertainmen na Ben X Jim na pinagbibidahan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce. Ginawang Ben X Jim Forever ang title ng movie version nito at may mga nadagdag ding ibang karakters.

Sa interview kay Teejay ay consistent pa rin siya hanggang ngayon sa pagsasabing madaling magustuhan at mahalin ang katulad ni Jerome.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @teejaymarquez

 

Lahad ni Teejay, “Hindi mahirap gustuhin si Jerome kasi sobrang okey, passionate, maayos yung tao, mabait, at masarap kausap.

“Maayos din siyang katrabaho. Kung ikaw single ka, hindi mo maiiwasang hindi mo magustuhan si Jerome.”

Very “Fan Girl” naman ang nangyari sa personal buhay ni Teejay na nagkaroon ng isang obsessed fan na na-in love sa kanya. Ang hindi lang maganda ay ipinagkalat ng fan na ito noong 2019 na nagkaroon sila ng relasyon at nagkautang sa kanya ang aktor ng P10M.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @teejaymarquez

 

Mas ginustong manahimik noon ni Teejay tungkol sa kontrobersyal na isyu.

“Unang-unang kasi, wala naman akong P10 million na hawak. Dun pa lang. Bakit ko pa po palalakihin? Kasi baka mamaya, kapag sinagot ko po siya, mas lalo siyang mag-ingay,” katwiran ng binata.

Patuloy ni Teejay, “Baka mamaya, yung mga taong hindi interesado at walang pakialam, magkaroon pa ng pakialam because pinapatulan ko.”

Tinakot din noon ng obsessed fan si Teejay na idedemanda siya nito ng estafa pero hanggang ngayon naman ay walang naisasampang kaso laban sa kanya.

“Sabi ko nga, kung magdedemanda siya sa akin about it, na meron akong utang, sinasabi niya na may relasyon daw kami, eh, di magdemanda po siya.

“Kasi dun lalabas na kapag nag-imbestiga, meron ka ba talagang P10 million na ibinigay? May resibo ba? Kasi sinasabi niya na may resibo raw siya. Eh, di kung may utang akong P10 million, pwede mo ako idemanda anytime dahil ang dami mo palang pera, eh,” pahayag ni Teejay.

“Until now, hindi pa rin po ako idinedemanda. Until now, walang subpoena, kasi alam ko sa sarili ko na wala akong P10 million. Baka kung may P10 million ako, baka nag-produce na ako ng pelikula para sa sarili ko.

“Napansin sana ng mga kakilala ko na marami na akong gamit, may bahay na ako, magarang kotse,” pagdidiin pa ng katambal ni Jerome.

Hindi naman itinanggi ni Teejay na kilala niya ang tao na naninira sa kanya.

“Kilala ko po yung tao kasi talaga pong naging fan ko siya,” deklara pa ng bida ng Ben X Jim Forever.