• Home
  • Fresh Scoops
  • Tulungan ngayon sa pag-ahon ang mga performers ng comedy bars para sa pangangailangan ng bawat isa.

Kahit New Normal set-up, Iyah Mina ‘hindi iiwan’ ang comedy bar

Tulungan ngayon sa pag-ahon ang mga performers ng comedy bars para sa pangangailangan ng bawat isa.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/17/2021 04:19 PM
Kahit New Normal set-up, Iyah Mina ‘hindi iiwan’ ang comedy bar
Photo Credit: @iyah_mina Instagram

From stand-up sa comedy bar, tuloy-tuloy ngayon sa pag-explore ng kaniyang talento sa pag-arte ang 2018 Cinema One Originals Best Actress Iyah Mina na bahagi ngayon ng bagong BL (Boy Love) Series na Limited Edition.

Ang Limited Edition ay ang Boy Love Series na produced ng kilalang shoe maker at business man na si Jojo Bragais.


Kuwento ni Iyah na active worker sa mga comedy bars, malaki ang naging impact ng COVID-19 pandemic sa kanilang trabaho sa comedy bar.

Isa ang comedy bar na kasama sa entertainment at leisure activities sa mga least priority ngayon na magbalik operasyon bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

“Sobrang major adjustment. Kasi ang laki nang nawala sa amin,” sambit ni Iyah sa panayam ng PUSH.

“Kasi, gabi-gabi nightly may work kami. Gabi-gabi ‘yung TF namin nakukuha namin. Buti na lang, kahit papaano nakapaghanda kami ng konti, may-ipon Pero nauubos so walang dumarating na events sa akin. So ang adjustment. Mag-sumikap,” patuloy ni Iyah.

Tulad ng karamihan, doble kayod din si Iyah para sa mga gastusin sa kaniyang pang-araw araw na buhay.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Iyah Mina (@iyah_mina)

 

Sa tulong aniya ng social media platform, itinuloy nilang mga kasamahan ang kanilang trabaho bilang mga stand-up comedians.

“Kaming mga nawalan, nag-online show kami and ‘yung mga nalikikom namin, we share sa mga friends namin na nawalan ng work,” sambit pa ni Iyah.

At kahit na humaharap sa new normal setup ang comedy bars at nag e-explore ng career bilang isang aktres, isa lang ang sinigurado ng stand up comedienne.

“Ako nga sabi ko sa sarili ko, ‘Ano na ba ang gusto ko mangyari? Go pa din ba sa nightly Gigs sa comedy bar o mag-acting?’ Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi! Hindi ko iiwan ang comedy bar!’ Kasi yan ang bread and butter ko before,” ani Iyah.

Bilang unti-uniting gumagawa ng pangalan bilang isang aktor, thankful rin si Iyah sa pagkakataon na dumarating sa kaniya ngayon na isa rin sa kaniyang pangarap lamang noon.

RELATED ARTICLE: Iyah Mina is first transgender woman to win Best Actress in Philippine Cinema

“Pero ito nga give ni lord ng pagkakataon sa talento sa pag-acting. Grab din natin ang opportunity. Nangarap ka na, lubos lubusin mo na! Wala namang masama,” pahayag pa niya.

RELATED ARTICLE: Epekto ng COVID-19 quarantine sa mga stand-up comedian, ibinahagi ni MC at Lassy

RELATED ARTICLE: Pananamlay ng comedy bars, ikinalungkot ni Vice Ganda

Mapapanood ang Limited Edition sa Bragais TV YouTube channel starring Ron Angeles, Jomari Angeles, at Andrew Gan.