• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik-paghahanda na sa darating na concert si Regine Velasquez.

Regine Velasquez negatibo sa COVID-19; ‘Freedom’ concert itutuloy na

Balik-paghahanda na sa darating na concert si Regine Velasquez.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/14/2021 07:33 PM
Regine Velasquez negatibo sa COVID-19; ‘Freedom’ concert itutuloy na
Photo Credit: @reginevalcasid on IG

Tuloy na tuloy na sa darating na February 28, 2021 ang inaabangan na Freedom concert ni Regine Velasquez-Alcasid.

Ito ay ayon mismo sa confirmation ng ABS-CBN Events at IME Productions nitong Linggo February 14.

ABS-CBN Events and IME are pleased to announce that Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital concert has been rescheduled to February 28 (Sunday),” pahayag ng ABS-CBN Public Relations sa post.


Matatandaan na apat na araw bago ang concert ni Regine, inanunsyo ang pag-postpone ng digital concert. 

Read: ‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez, postponed

Masaya rin na ibinalita sa bahagi ng statement na negatibo sa COVID-19 ang singer matapos niyang ma-expose sa taong COVID-19 positive na dahilan ng pag-atras ng araw ng kaniyang concert.

Regine tested negative for COVID-19 and [will] soon resume preparations for the show.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

Sa bahagi rin ng official statement, nilinaw nila na valid pa rin ang mga tickets na nauna nang na ibenta at magagamit sa darating na February 28.

Samantala, masaya rin na ibinahagi ni Regine ang magandang balita. Kalakip ang official statement ng ABS-CBN sa kaniyang post, makikita ang pananabik ng singer na matutuloy na finally ang kaniyang pinaghandaang concert.

Regine Velasquez-Alcasid’s Freedom concert is happening on February 28! This is really is it mga Vakla!!!!!!!”