• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala si Jesus Falcis na malaki ang tsansa ni Nadine Lustre na manalo laban sa kasong isinampa sa kanya ng VIVA Artists Agency.

Kontrata ni Nadine Lustre sa VIVA, inihalintulad sa ‘slave contract’ sa ibang bansa

Naniniwala si Jesus Falcis na malaki ang tsansa ni Nadine Lustre na manalo laban sa kasong isinampa sa kanya ng VIVA Artists Agency.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/14/2021 05:50 PM
Kontrata ni Nadine Lustre sa VIVA, inihalintulad sa ‘slave contract’ sa ibang bansa
Photo Credit: @nadine on IG, and @Pinoy Lawyer Reacts on YouTube

Inihalintulad ng abogado na si Jesus Falcis ang kontrata ni Nadine Lustre sa VIVA Artists Agency sa mga “slave contracts” sa ibang bansa gaya ng mga K-Pop idols sa South Korea.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


 

Pinili ng abogado na si Jesus Falcis na pag-usapan ang kaso na isinampa ng VIVA Artists Agency laban kay Nadine Lustre para sa ikaapat na episode ng kanyang Pinoy Lawyer Reacts channel sa YouTube.

Ito ay matapos lumapit mismo sa kanya ang mga tagahanga ni Nadine upang pag-usapan kung gaano kalaki ang tsansa na mananalo ang aktres sa kaso nito laban sa VIVA.

Read: Nadine Lustre returns to Twitter with new account

Matatandaang nagsampa ng kaso ang VIVA laban kay Nadine dahil sa pagtanggap umano ng aktres ng mga proyekto at brand deals nang walang pahintulot sa nasabing talent agency.

Saad ni Atty. Jesus, masyadong tagal ang 14 na taon para sa kontrata ng isang artista.

Alam ko napirmahan nila ‘yung kontrata nila 2015. ‘Yung unang kontrata was just for five years. 2010-2015. And nu’ng nag-renew si Nadine nu’ng 2015, hindi ko alam noon na hanggang 2029,” Dagdag pa niya: “14 years po ‘yung kontrata niya with VIVA. Ang tagal.”

Read: Nadine Lustre leaves VIVA, now “self-managed”

Inihalintulad ni Jesus ang kontrata ni Nadine sa mga slave contracts ng mga K-Pop idols sa South Korea gaya ng TVXQ kung saan naging usap-usapan ang pagkalas ng tatlong miyembro nito sa agency ng SM Entertainment.

14 years as an exclusive talent or artist of a company in the Philippines. It’s too lang. Ang haba po nu’n. Ang daming pwedeng mangyari sa loob ng 14 years. Imagine in just one year, nagka-pandemic. A lot can happen in fourteen years,” ani Jesus.

So ‘yung ganu’ng klaseng mga contract. Depende din sa probisyon na nakalagay sa kontrata, but the length itself, parang mga slave contracts sa South Korea na 10 to 15 years din ‘yung duration or validity ng exclusive contract between the management and the artist,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

 

Sambit pa ni Jesus, pangkaraniwan ang kontrata ni Nadine.

“Grabe pala ‘yung kontrata ni Nadine. ‘Di ko lang alam sa ibang mga artista ganu’n din ba kahaba. Usually ‘yung mga naririnig natin mga two to three years or five years ang mga kontrata before nagkakaroon ng mga renewal. ‘Yung uupo sa table ‘yung mga artista ‘di ba? Tapos may presscon kasama ‘yung mga big boss,” saad ni Atty. Jesus.

Ngunit ani Atty. Jesus, hindi umano dapat kalimutan na ang pinirmahan ng aktres ay isa lamang exclusive management kontrata kung kaya’t nagsisilbi lamang na ahente ang VIVA para sa aktres.

Importante din ‘to no. Ang tawag sa kontrata, exclusive management contract. So, ang una kong reaksiyon diyan, dehado na ang VIVA dito agad. Kasi ‘pag sinabing exclusive management, kahit na may artistang nagbibigay ng kapangyarihan sa isang korporasyon or sa isang tao na maging exclusive manager niya, manager ka lang. Manager ka pa din. Ibig sabihin, ‘yung boss ay ‘yung artista. Binigyan ka lang ng exclusive right to manage,” saad ni Jesus

Read: VIVA Artists Agency files lawsuit vs Nadine Lustre

Dagdag pa niya, maaaring umalis si Nadine kung kailan niya gusto lalo pa’t kung hindi na nito naibibigay ang mga proyektong dapat ibigay sa kanya.

Pag hindi na happy ‘yung artista sa’yo bilang manager niya, pwedeng-pwede siya maghanap ng ibang manager. Bakit? Kasi, ‘yung welfare ‘yung karera ng artista ‘yung mina-manage. So, ang pinakaimportanteng tao doon sa relationship na ‘yun between the artist and the manager, is the artist,” saad ni Jesus.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

 

Pagpapatuloy pa nito: “Kung ayaw na nu’ng manager niya, pwedeng-pwede siya maghanap ng manager kung feeling niya hindi na na-mamanage ‘yung kanyang career ng maayos. Baka wala masyadong projects, baka mababa ‘yung talent fee na nakukuha. Baka wala masyadong advertisements na nabibigay. Kung mayroon mang nabibigay, nakukulangan o gusto niya pa ng iba at may nakikita siyang ibang manager, sarili niya, kaya niyang i-manage ang sarili niya, pwedeng-pwede siyang kumalas du’n sa manager. So I’m just going by du’n sa tinatawag ng VIVA dun sa kontrata.”

Samantala, naniniwala naman si Jesus na malaki ang tsansa na manalo si Nadine laban VIVA base sa kung ano ‘yung mga argumento ng kampo ni Nadine.

I’m not being biased here. Pero mukhang sa mga argumento ni Atty. Lorna Kapunan, mukhang — based dito sa arguments lang ha, wala po sa atin ‘yung kontrata, hindi ko nakikita ‘yung buong kontrata, just by going through their arguments and their own admissions — mukhang mananalo si Nadine at mukhang matatalo po ang VIVA,” ani Jesus.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

 

Dagdag pa nito, may karapatan umano si Nadine na iwanan ang kanyang ahente sa ilalim ng 1920 ng Civil Code ng Pilipinas.

So tamang-tama po si Atty. Lorna Kapunan du’n sa unang-una niyanga argument. Mukhang ang kontrata po na meron si Nadine ang VIVA, is a contract of agency. Ahente ang VIVA ni Nadine. Si Nadine ang prinicipal at ang boss. So ‘pag contract of agency po ‘yan, under article 1920 of the Civil Code, pwede pong i-revoke ‘yung contract of agency nu’ng principal or nu’ng ahente. And this revocation may be unilateral at will. Kung gusto na ng principal na i-cancel ‘yung agency contract, he or she can do so anytime,” aniya.

 

Panoorin ang video sa ibaba:

Sa huli, muling sinabi ni Atty. Jesus na malaki ang tsansa na manalo ang aktres sa kasong isinampa sa kanya ng VIVA.

So, parang sa South Korea, sa tingin ko may basehan din ang kampo ni Nadine Lustre na ipawalang-bisa ‘yung exclusive management contract because of the unfair duration that it’s too long. So, that’s it. Sa tingin ko, mananalo si Nadine. But this is just my legal opinion. If there are a million lawyers, there’s a million legal opinions and this is just my legal opinion,” pagtatapos niya. 

Nagtapos ng kursong Political Science si Jesus Falcis sa Far Eastern University. Samantala, sa University of the Philippines - Diliman naman nito nakuha ang kanyang Juris Doctor degree.