• Home
  • Fresh Scoops
  • Jayda’s music video will feature former Pinoy Big Brother housemate Rhys Miguel.

Jayda, handog ang ‘Paano Kung Naging Tayo?’ ngayong Valentine’s Day

Jayda’s music video will feature former Pinoy Big Brother housemate Rhys Miguel.

BY
ABS-CBN Corp. Comm.

FRESH SCOOPS

02/13/2021 02:12 PM
Jayda, handog ang ‘Paano Kung Naging Tayo?’ ngayong Valentine’s Day
Photo Credit: @jayda Instagram

Idinaan ni Jayda sa isang awitin ang kanyang mga katanungan sa pag-ibig sa pinakabagong single na “Paano Kung Naging Tayo?” na handog niya ngayong Buwan ng mga Puso.

Ito ang unang awiting Filipino na iprinodyus ni Jayda at isinulat niya kasama ang ama na si Dingdong Avanzado. Ayon sa young singer, nabuo niya ang konsepto ng kanta matapos makita sa social media ang isang post na nag-kwento ng kanyang ‘what ifs’ sa taong minamahal.

“It moved me and it was something that resonated with me enough that I and my dad, my co-writer on this track, finished the whole thing in 24 hours,” kwento ni Jayda kaya naman ibinuhos niya ang emosyon sa bagong single mula sa Star Music para sa mga taong nagdadalamhati at iniisip ang mga posibilidad kung sakaling naging sila ng taong laman ng kanilang puso’t isipan.


May karagdagang handog din si Jayda ngayong Feb-ibig dahil saktong Valentine’s Day (Pebrero 14) ilalabas ang music video ng kanyang bagong single na siya mismo ang nagdirek bilang una niyang pagsabak sa directing.

Tampok rin sa inaabangang MV ang datingPinoy Big Brother: Otsohousemate na si Rhys Miguel bilang kanyang leading man.  

Napapakingan na ang “Paano Kung Naging Tayo?” sa iba’t ibang digital platforms. Abangan naman ang MV nito ngayong Linggo (Pebrero 14) tampok sina Jayda at Rhys sa Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Star Music sa Facebook (fb.com/starmusicph) at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).