• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Andre Yllana, father figure na niya si Jay Khonghun.

Andre Yllana, aprub sa pagpapakasal ni Aiko Melendez sa boyfriend

Para kay Andre Yllana, father figure na niya si Jay Khonghun.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/13/2021 03:16 PM
Andre Yllana, aprub sa pagpapakasal ni Aiko Melendez sa boyfriend
Photo Credit: @andreyllana Instagram

Aprub para kay Andre Yllana kung saka-sakaling magpapakasal ang mommy niyang si Aiko Melendez sa boyfriend nitong si Vice Governor Jay Khonghun ng Zambales ngayong 2021. Magiging masaya rin daw siya kapag nangyari yon.

Lahad ni Andre, “Yes, go na go po ako, lalo na po kay Tito Jay!”

 


 

Pinasalamatan rin ni Andre ang boyfriend ni Aiko na isa raw sa instrumental ng pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA).

“Sobrang big thanks din po kay Tito Jay dahil hindi po ako nandito ngayon kundi dahil po kay Tito Jay kaya super thank you. Kaya go na go tayo diyan ’pag may kasalan,” sambit pa ng binata.

Si Jomari Yllana ang biological father ni Andre. Mas close daw silang mag-ama ngayon at mas madalas nagkakausap kumpara noon.

 

 

With regards to Jay, ani Andre, maganda rin daw ang relasyon at bonding dalawa ngayon.In fact, father figure na raw ang tingin nito sa kanya.

“Si Tito Jay naman po kasi, maganda naman po yung bonding po namin. So, yung mga missing pieces po na hinahanap ko as a father figure po, nakukuha ko naman po kay Tito Jay kaya big thanks po talaga sa kanya,” pahayag pa ni Andre.