• Home
  • Fresh Scoops
  • Mickey Ferriols, binigyan ang anak ng payo kung gusto itong sumabak sa showbiz.

Anak ni Mickey Ferriols gustong sumali sa showbiz

Mickey Ferriols, binigyan ang anak ng payo kung gusto itong sumabak sa showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/13/2021 09:03 PM
Anak ni Mickey Ferriols gustong sumali sa showbiz

Interesado ang 15-year-old son ni Mickey Ferriols na si Brent Marcus na pasukin ang showbiz. Ito ang inamin ni Mickey nang humarap siya sa ilang entertainment press sa  virtual presscon ng Viva nitong Miyerkules, February 8.

Si Brent ay anak ni Mickey sa dating karelasyon – ang actor comedian na si Archie Alemania.

Interesado siya. Kasi kung sasabihin niya sa akin na ‘Mom, no, I don’t want to try showbiz,’ hindi ko siya… of course, I won’t force him.


Kaya lang, siya yung nagsabi sa akin. Siguro nga, kasi nakikita niya kami ng dad niya, sumasama siya minsan sa taping. So, I guess he developed an interest in showbiz,” pagtatapat ng TV host/actress na ngayon talent na rin ng Viva Artists Agency (VAA).

Pinapayuhan na rin daw niya ang kanyang anak kung ano ang gagawin kapag nag-artista na ito.

Ang number one na sinasabi ko sa kanya, ‘Anak, pag sumabak ka na sa showbiz unang-una is humility. Wala ka dapat yabang pag pumasok ka ng showbiz.’ Sabi ko sa kanya be humble.

Number two, dapat yung respect, especially the women. Siyempre, dapat respetuhin mo rin yung mga katrabaho mo pero be very careful with the ladies. Kasi ako babae ako, eh, so  nai-impart ko sa kanya yung mga hindi magagandang… yung hindi natin gusto. So, alam niya yon,” pagbabahagi ni Mickey.

Sa tanong namin kay Mickey if she’s ready na ma-in love ulit at makipagrelasyon aniya, hindi raw siya naghahanap.

Am I ready for a new love? To be honest, hindi ako naghahanap. Pero, kung may ibibigay si God, why not, di ba?” tugon niya.

Samantala, nananatiling loyal Kapamilya si Mickey. Huli siyang napanood sa Kapamilya action-drama series na A Soldier’s Heart na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.