• Home
  • Fresh Scoops
  • Paniwala ng marami, si Mariel Rodriguez-Padilla ang tinutukoy ni Ivana Alawi sa kanyang vlog.

‘Umiyak ako nu’n’: Ivana Alawi, inaming minsan nang pinahiya ng kapwa artista

Paniwala ng marami, si Mariel Rodriguez-Padilla ang tinutukoy ni Ivana Alawi sa kanyang vlog.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/11/2021 05:06 PM
‘Umiyak ako nu’n’: Ivana Alawi, inaming minsan nang pinahiya ng kapwa artista

Binalikan ni Ivana Alawi ang isang yugto sa kanyang karera bilang artista kung saan pinagsisigawan umano siya ng kanyang kapwa artista. 

Sa “Sagot o Lagot” challenge kung saan kailangan uminom ng isang kakaibang inumin tuwing pipiliin hindi sagutin ang isang katanungan, inamin ng Kapamilya star na minsan na siyang inaway ng isang kapwa artista na paglalarawan niya ay isang beteranang host. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Ito ay matapos tanungin siya kung may inaway na siyang artista noon. 

Pag-amin ni Ivana, nagsisimula pa lamang siya sa showbiz noong nangyari ang insidenteng iyon. 

Ani Ivana, pinagsisigawan siya ng nasabing host nang isama niya ang kanyang personal assistant (PA) malapit sa kanyang dressing room na pinaghahatian umano nila ng iba pang artista. 

“Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin. Pero ako, never ako nakipag-away sa kahit na sinong artista kasi kailangan mo rumespeto at kailangan mo makisama sa showbiz world,” ani Ivana. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

“Nagsstart kasi ako nu’n sa ABS. Nagte-taping taping. Nandu’n ako sa Sino Ang May Sala? ‘tas nagkaroon ako ng parang guesting. Du’n ‘yun sa ABS nagte-taping. Tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami dun kasi parang sama-sama kami sa dressing room na ‘yun,” pagpapatuloy ni Ivana. 

Ivana Alawi gives away 10K and 10 scholarships to celebrate 10 million subscribers on YouTube​

“So ‘yung kasama kong PA, lumabas siya kasi hindi na siya kasya du’n sa dressing room namin and kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi siyempre ‘pag may kailangan ako, magbibihis mga ganu’n. Lumabas siya tapos may nakita siyang upuan du’n sa labas. Nagpaalam naman siya du’n sa tao sa loob,” aniya. 

“Sabi niya: ‘Pwede’ng makiupo lang?’ para malapit lang sa akin kasi tapat lang kasi siya. So sabi ng tao sa labas, ‘Oo naman sige upo ka’ so umupo siya du’n. Nag-aantay siya kung tatawagin na kami o ano. Hindi pa kami nagsisimula ni Te, so nag-aantay lang ako du’n, nakaupo lang ako dun. Tapos biglang may sumugod na batikang host,” dagdag pa nito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Ani Ivana, idolo niya ang nasabing host  kaya hindi niya aakalain na mangyayari iyon sa kanya. 

“Palagi ko siyang pinapanood noong bata ako kaya idol na idol ko siya. Noong nakita ko, parang napangiti ako tas parang pinagsisigawan niya ako du’n sa dressing room sa harapan ng ibang artista tapos parang sabi ko, ‘Hala!’ Tapos sabi niya: ‘Why is your [PA] in my room, ha? Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos.’ Ang dami niyang sinabi,” saad ni Ivana. 

LOOK: Ivana Alawi celebrates birthday on Christmas Day, wows in enchanting gown​

Humingi pa umano siya ng patawad sa nasabing host ngunit hindi nawala sa isip niya ang pamamahiyang ginawa sa kanya sa harap ng ibang artista. 

“Tapos naalala ko ‘yung reaksiyon ko nu’n: ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako ng sorry. Tapos sobrang [na-offend ako] kasi sa harapan ng ibang artista pinahiya ako,” ani Ivana. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Hindi umano napigilan ni Ivana na maiyak noong mga panahong iyon. Sabi pa niya, mas gugustuhin umano niyang pagsigawan siya ng silang dalawa lang kaysa gawin ito sa kanya sa harap ng ibang tao. 

Aniya: “Umiyak ako nu’n tapos tumawag ako kay mama. Ang sabi niya: ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na. Kasi wala naman talaga akong mali. Kaya hindi ko maintidihan bakit ako ang pinuntahan du’n at pinagsisigawan. You still have to show respect and be professional. Sana kinausap na lang niya ako na ‘Oy, Ivana. Alam kong bago ka sa ganito, pero bawal ka sa ganyan.’ Mas ma-appreciate ko ‘yun, ‘di ba?

PANOORIN: Ivana Alawi, namigay ng tig-10,000 pesos sa mga delivery riders​

“‘Di naman ako mahirap kausap. Pwede mo naman ako tawagin or sigawan mo ako ng tayong dalawa lang. Pero sa harap ng maraming tao na wala naman akong ginawang masama? ‘Yun lang ang hindi ko malimutan. Isa sa mga experiences ko starting out in showbiz,” dagdag pa niya.  

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Bagama’t hindi niya ito pinangalanan, naniniwala ang maraming netizens na si Mariel Rodriguez-Padilla ang tinutukoy ni Ivana sa kanyang vlog. 

“It’s Mariel. I remember that episode in Showtime na they are teasing her because she got mad in the dressing room lol she was preggy that time, too,” ani ng isang netizen. 

“Yes kc nalalala q to sa ST after ng commercial gap snbe ni vice warla dw c mariel kc dpa tpos ung show nakaabang na ung ssunod na artsta na c ivana,” saad naman ng isang netizen.