• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyan ngayong under quarantine si Regine Velasquez matapos ma-expose sa taong nag-positibo sa COVID-19.

‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez, postponed

Kasalukuyan ngayong under quarantine si Regine Velasquez matapos ma-expose sa taong nag-positibo sa COVID-19.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/10/2021 10:49 AM
‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez, postponed
Photo Credit: @reginevalcasid Instagram

Malungkot na balita ang ibinahagi ng bumubuo ng upcoming digital “Freedom” concert ni Songbird Regine Velasquez.

 

 

Sa inilabas na statement ng ABS-CBN at IME productions, napagdesisyunan ng mga bumubuo ng concert na pansamantalang i-postpone ang upcoming digital concert ngayong Valentine’s Day (February 14) matapos ma-expose mismo si Regine sa taong nagpositibo sa COVID-19.

“ABS-CBN Events and IME regret to announce that “Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert,” originally scheduled on February 14, has been postponed,” bahagi ng inilabas na statement nitong Miyerkoles, February 10.

Inihayag rin sa statement na kasalukuyang under quarantine ang Kapamilya singer upang obserbahan ang kaniyang kalagayan.

 

 

“Regine was recently exposed to someone who tested positive for COVID-19 and she is now under quarantine.”

Sa huli, humingi rin ng pang-unawa ang bumubuo ng concert sa hindi inaasahan na pangyayaring ito.

Sinigurado rin na valid pa ang ang mga tickets na nabili ng mga fans ni Regine sa oras na i-anunsyo muli ang bagong date ng concert.

“We apologize for any inconvenience that this may have caused. All tickets sold with the original date will be honored on the new “Freedom” concert schedule which will be announced soon.

"The healthy and safety of our artist and staff is our priority and we are thankful for your support and understanding.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

Sa kanyang Instagram, nagpost din si Regine ng mensahe para sa kanyang mga fans. 

"Hi guys I don’t even know what to say but yah we are postponing the concert because I was exposed to someone who tested positive. Sorry for the inconvenience.😭I’ve been preparing for this for weeks and so excited to finally be performing for all of you. Hay!!!!! Pero wag magalala definitely matutuloy to no sayang naman pagbabalik alindog ko no 😂 so please bear with us we will announce the concert date as soon as possible. Now as far as my heath I’m doing fine so is my family. Safety first para aming lahat na kasama sa #freedom. 

"I just want to say thank you to ABS CBN KTX and IMusic for their support and understanding. Siyempre sa inyong lahat na na bitin na naman 😭 pero promise tuloy tayo😊 I guess I’ll have more time to make the concert even better. God always has a plan and believe me His plans are always better. Sige itaas n'yo na mga expectations nyo," sabi pa ng singer.