Viral ngayong ang litrato ng isang Pinoy na nagtatrabaho sa Jeddah kung saan kasama niya ang international pop singer na si Justin Bieber at asawa nito na si Hailey Baldwin.
Ang nasabing Pinoy ay si Angelo Redila na nagtatrabaho sa isang hotel sa Jeddah kung saan tila nanatili ang mag-asawang Justin at Hailey.
LOOK: Yassi Pressman watches Justin Bieber perform live in Vegas
May isang video na lumabas kung saan makikitang dumarating sina Justin at Hailey sa nasabing hotel.
May pabiro namang hirit si Angelo: “Tatanggi ka pa ba pag si Hailey na magyaya ng picture. Idol Justine Bieber in the house.”
Lumipad kamakailan si Justin papuntang Jeddah upang mag-perform sa ginanap na Formula 1 Saudi Arabia Grand Prix.
Dapat pupunta si Justin sa Pilipinas noong taong 2017 para sa Manila leg ng kanyang “Purpose” World Tour na dapat gaganapin sa Philippine Arena ngunit hindi ito natuloy.
Justin Bieber brings ‘Purpose’ tour in the Philippines
Itinuturing na isa sa pinakamalaking pop superstars sa mundo si Justin Bieber na unang sumikat dahil sa mga kanta niyang “One Time" at "Baby."
Taong 2018 naman ng ikasal si Justin Bieber sa kanyang asawa na si Hailey Baldwin.